Vape at e-cigarettes mas malala sa yosi?

Patuloy na pinalalakas ng mga nasa industriya ng vape at electronic cigarettes ang kanilang kampanya hinggil sa mabuting dulot ng paggamit ng makabagong usong ito ngunit tila taliwas ito sa tunay na sitwasyon.

vape at e cigarettes mas malala sa yosi - Vape at e-cigarettes mas malala sa yosi?
Abante Strike Revilla Strike sa Trabaho - Vape at e-cigarettes mas malala sa yosi?

Patuloy na pinalalakas ng mga nasa industriya ng vape at electronic cigarettes ang kanilang kampanya hinggil sa mabuting dulot ng paggamit ng makabagong usong ito ngunit tila taliwas ito sa tunay na sitwasyon.

Karamihan sa gumagamit ng vape at e-cigarettes ay sinasabing mas mabuti ito kumpara sa nakakaadik na sigarilyo dahil sa wala umano itong nicotine na nagdudulot ng dumi sa baga at nagiging sanhi ng adiksiyon.

Ngunit ang katotohanan, ito ay pananaw lamang ng mga nagbebenta ng ganitong uri ng bisyo dahil ang target market nila ay mga mismong nagsisigarilyo at nais nilang lumipat lamang ng electronic na bisyo.

Pero kung ang World Health Organization (WHO) ang tatanungin hinggil dito ay isang malaking kapahamakan umano ang malulong sa vape o e-cigarettes dahil sa higit pang masama ang epekto nito kumpara sa ordinaryong sigarilyo.

Hindi rin totoong nakakatulong sa mga nais na tumigil magsigarilyo ang mag-shift sa paggamit ng vape dahil mayroon din itong toxin bukod pa sa hindi dekalidad na mga juices na ikinakarga sa mismong vape na may halo ring nicotine.

Lalo ngayon na naglipana na ang tinatawag na backyard factory na karaniwan ay iligal na nagma-manufacture ng juices at ibinabagsak sa iba’t ibang vape shop sa buong bansa.

Illegal manufacturer kasi hindi naman sila nagbabayad ng buwis at hindi ito nireregulate ng ating gobyerno kung karapat-dapat ba o hindi na ipagbili sa market at kunsumuhin ng mga gumagamit ng vape.

Ang layunin lang naman ng mga nagma-manufacture ng mga vape juices ay makapag-produce ng sangkaterbang usok na halos isang libong beses ang dami kumpara sa usok na dulot ng ordinaryong sigarilyo at wala silang pakiaalam kung masama ito sa kalusugan o hindi.

Dahil dito ay mayroong mga kompanya ng tabako o pagawaan ng sigarilyo ang gumagawa na rin ng E-cigarette at heated tobacco products para mapabalik ang mga customer na nalululong sa vape.

May mga pag-aaral na humihina umano ang semilya ng isang gumagamit ng vape at lumalabas ang kung anu-anong epektong pisikal sa anak nitong lalaki kaya paanong sasabihing mas ligtas ang vape sa natural na sigarilyo.

Sa kasalukuyan ay dumarami na ang bansang ipinagbabawal na ang E-cigarette, isa na rito ang San Francisco na hindi lang pagbibenta kung hindi maging ang paggawa ay bawal na at ang bansang China ay may mga hakbang na ring ginagawa para matigil na ito sa kanilang bansa.

Sa datos ng WHO, walong milyong katao ang namamatay taun-taon dahil sa paninigarilyo at ngayon ay nakadagdag pa itong vape na ginagawang dahilan ng mga dating naninigarilyo na magandang paraan para matigil sa paninigarilyo kaya nagsisilipat na sila ng bisyo.

Pero ang hindi nila alam na ang posibilidad na magka-cancer kapag gumon ka sa paninigarilyo ay napakataas kaya lumilipat sila sa vape o E-cigarette na ang dulot naman ay kamatayan dahil sa pagsinghot nila ng napakakapal na usok mula sa mga juices na hindi aprubado ng Food and Drugs Adminstration (FDA).

Isama pa rito ang hindi na mabilang na nawasak ang mukha dahil sa mga may nagbibenta na ng mababang kalidad ng vape o E-cigarette na nagkalat sa bangketa sa murang halaga.

Ngayon ano ba talaga ang mas okay, vape ba o natural na sigarilyo? Ang sagot ko pareho kayong bad breath, pareho kayong nakakabuwisit sa mga hindi nag-yoyosi, pareho kayong magkakasakit at pareho kayong walang mapapala sa hithit-bugang bisyong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *