UTI sanhi at sintomas

Madalas akong makakita ng mga pasyente na ang reklamo ay sakit ng likod.

The post UTI sanhi at sintomas appeared first on Abante News Online.

uti sanhi at sintomas - UTI sanhi at sintomas
rylan - UTI sanhi at sintomas

Madalas akong makakita ng mga pasyente na ang reklamo ay sakit ng likod.

Kadalasan ang pinagmumulan ay ang spinal cord, buto o muscle. Ngunit may maaari pang isang dahilan at yan ay problema ng daanan sa ihi (magmula sa kidneys o bato, koneksyon nito sa pantog o ureter, at ang huling daanan bago lumabas ang ihi o urethra). Puwedeng kaakibat nito ang kirot o hapdi sa pag-ihi, sa simula, gitna, o patapos nito. Kaya’t isa sa mga importanteng test na pinapagawa ay ang urinalysis. Ito ay para malaman kung may impeksyon o di kaya maaaring may hadlang sa daanan tulad ng calculus o bato. Dito, tinitingnan ang dalawang bagay. Ang una ay wbc o pus cells. Ang normal na bilang nito ay 0-1 o 0-2 lamang, higit dito ay may p­osibilidad ng impeksyon, at sigurado kung nasa mahigit 10 ang bilang or kapag hindi na numero ang resulta ngunit mga letrang TNTC o “too numerous to count”. Ang pangalawa ay ang rbc o red blood cells. Kapareho ang normal na resulta ng wbc, at higit doon ay nagsasabing may dugo sa ihi na nanggaling sa sugat sa alinmang daanan ng ihi.

Kung impeksyon ang makikita, mangangailangan mabigyan na ng antibiotiko.

Kaya naman tinitingan din natin ang eksaminasyon sa dugo, complete blood count o CBC, dahil kapag mataas din ang wbc nito, baka kailangan nang ipadaan sa swero ang gamot at maospital, higit pa kung nilalagnat na.

Kailangan ng suportang pangangalaga, tulad ng pagdagdag ng iniinom na tubig (2-3 litro maghapon), gamot para sa lagnat, bitamina tulad ng Vitamin C.

Kung may posibilidad na may bato sa daanan naman, may ibang mga imaging exams na puwedeng i-request, tulad ng ultrasound at ivp o intravenous pyelography. Nakikita dito kung pamamaga ng alin mang parte ng daanan ng ihi at kung may bumabara nito na bato. Madalas irinerefer kayo sa isang urologist para malaman kung puwdeng mag gamot pangpatunaw ng mag ito. At kung medyo malaki, mag shock wave o ESWL para mabasag naman o kung sobrang laki, tunay na operasyon para makuha ng buo ito.

Ang importante ay kung may nararamdamang kakaiba, magpatingin agad sa pinakamalapit na mangagamot upang maagapan sa lalong madaling panahon ang anumang komplikasyon.

Hanggang sa susunod na Martes!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medi- cal Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, at radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn). Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentayo at katanu-ngan.

The post UTI sanhi at sintomas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *