Utang sa alahas

Good evening Attorney Claire tatanong ko lang po sana kung iyong pagkakautang ko po ng malaking halaga sa alahas ay makukulong po ba ako? May pinirmahan po ako na kasunduan namin nung supplier ko na magbabayad po ako monthly at aabot po iyong 2years sa pagbabayad ko po. Nilagyan po ng interest iyong halaga na babayaran ko. Hindi pa po ako nakakabayad ng buo sa monthly payment po na napagkasunduan kasi lumaki po iyon gawa ng interest na ipinatong po niya. Nakapagbigay naman po ako kahit papano at hindi pa sa kalahati ng monthly payment sa kadahilan na wala pa po akong sapat na perang hawak. Ngayon po kung ano-ano na sinasabi sa akin at tinatakot na ako na ipapakulong niya ako. Napapahiya na din ako dahil naikakalat na kung kani-kanino ang pagkakautang ko. At pinamamalita pa na makukulong na ako. Naapektuhan na mga anak ko sa ginagawa nila. Ngayon hinihingi ko iyong kopya ng pi­nirmahan ko na kasunduan namin ayaw niya ibigay at ang sabi sa akin hindi raw ako bibigyan nun. Hinihingi ko po iyon para mapasuri ko din po kasi kung may nalabag po ba sa karapatan ko na nagkautang. Ma­bigyan po sana ninyo ako ng pansin at malaman ko po kung ano po ang dapat kong gawin.

The post Utang sa alahas appeared first on Abante News Online.

utang sa alahas - Utang sa alahas
Abate Claire Castro Clear It 1 - Utang sa alahas

Magbabayad naman po ako. Pero bakit hinaharass po niya ako.
Salamat po,

Channel

Ms. Channel,

Ang tanong ko ay paano ka ba nagkautang para sa alahas? Naging ahente ka ba niya? O ikaw ay bumili lamang at hindi nakabayad?

Kung ikaw ay na­ging ahente niya para ibenta ang mga alahas at hindi mo naisauli ang mga ito o hindi mo nai-remit ang halaga nito sa principal mo ay maaari kang mademanda ng estafa dahil sa lalabas na naabuso mo ang tiwalang binihay niya sa iyo dahil may presumption na nakinabang ka nang hindi mo maibalik ang mga alahas o ang halaga nito. Ang dapat mong mapatunayan dito ay wala kang balak na manloko o tabkuhan ang obligasyon mo.

Kung ikaw naman ay buyer at hindi mo lamang nabayaran ang mga binili mo ay walang panloloko na mapapatunayan laban sa iyo at ito ay mananatiling utang. Tanging civil case lang o paniningil sa utang ang kanyang maidedemanda sa iyo at ito ay walang kulong.

Kung nagbabayad ka naman ay mas lalong hindi niya mapapatunayan na balak mong takbuhan ang obligasyon mo. Kung siya ang naninira, maaari mo naman siyang ireklamo ng libel, cyberlibel o oral defamation.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922 0245/ 5142143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

The post Utang sa alahas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *