Universal social pension para sa mga senior citizen

Malaki ang naiambag ng ating mga lolo at lola sa ating lipunan. Ang kanilang talino at talento ang nagpagalaw ng ating bansa noong sila ay bata at malakas pa. Sa ating mga pamilya, sila ang tumatayong kaagapay natin sa lahat ng oras. Sa loob at labas ng tahanan, ang kanilang kontribusyon at pagmamahal ay hindi matatawaran.

The post Universal social pension para sa mga senior citizen appeared first on Abante News Online.

universal social pension para sa mga senior citizen - Universal social pension para sa mga senior citizen
RISAHONTIVEROS - Universal social pension para sa mga senior citizen

Malaki ang naiambag ng ating mga lolo at lola sa ating lipunan. Ang kanilang talino at talento ang nagpagalaw ng ating bansa noong sila ay bata at malakas pa. Sa ating mga pamilya, sila ang tumatayong kaagapay natin sa lahat ng oras. Sa loob at labas ng tahanan, ang kanilang kontribusyon at pagmamahal ay hindi matatawaran.

Bago magbukas ang 18th Congress, nagpasa ako ng panukalang batas, ang Senate Bill No. 160 o ang ‘Lingap Para Kay Lolo at Lola Act’. Ito ay nagnanais tumulong sa mga senior citizens upang maka­bawas sa kanilang problemang pinansyal.

Suklian natin ng kalinga ang mahalagang ambag sa ating lipunan ng ating mga senior citizens. Ang panukalang ito ay magbibigay ng financial security sa kanila upang makatulong sa kanilang gastusin.

Sa ilalam ng panukalang ito, magkakaroon ang gobyerno ng sistema para sa social pension na magbibigay ng tulong sa mga senior citizens edad 65 pataas. Ang mga indigent na senior citizens na nasa pagitan ng 60 hanggang 64 ang edad ay magkakaroon din ng assistance. Itataas din ang buwanang stipend ng mga senior citizens mula P500 patungo sa isang libong piso para makatulong sa pang-araw-araw na panga­ngailangan.

Ayon sa Commission on Population (POPCOM), tinatayang 8 mil­yon ang senior citizens sa bansa base sa 2018 na datos. Hindi maipagkakaila na marami sa ating mga lolo’t lola ang nahihirapan tustusan ang kanilang mga importanteng pa­ngangailangan tulad ng pagkain at gamot. Sila na kumalinga sa atin noong tayo ay bata pa ay nangangailangan ng tulong ngayong sila ay nasa dapithapon na ng kanilang buhay.

Importante ang pagkakaroon ng batas na ito para sa ating mga lolo at lola. Ayon sa Coalition of Services of the Elderly (COSE), 40 porsyento sa ating mga senior citizens ang hindi nakakatanggap ng pensyon. Ang kasalukuyang nakakatanggap ng pensyon ay ‘yung mga nagtrabaho sa pormal na sektor. Ang mga nagtrabaho sa impormal na sektor ay hindi naka-enroll sa Social Security System (SSS).

Sinusuportahan din ng International Labor Organization (ILO) ang panukalang magkaroon ng universal social pension para sa mga matatanda dahil ito ay isa sa karapatang pantao ng mga senior citizens. Ayon din sa COSE, ang pagkakaroon ng universal social pension ay magha­hango sa mga tatlong milyong senior citizens mula sa kahirapan.

Ang panukalang ito ay isang paraan upang bigyang ayuda ang ating mga senior citizens. Nararapat na alagaan natin sila at ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ina­lagaan nila tayo noon. Nararapat lamang na alagaan naman natin sila ngayon.

The post Universal social pension para sa mga senior citizen appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *