Tulungan sa panahon ng pandemya

Napakaraming donation drive na inilulunsad ngayon bunsod ng pandemya.

tulungan sa panahon ng pandemya - Tulungan sa panahon ng pandemya
Kaye Dacer Aksyon Lady 28 - Tulungan sa panahon ng pandemya

Napakaraming donation drive na inilulunsad ngayon bunsod ng pandemya.

Iba ibang porma ng pagtulong sa mga kababayang apektado ng COVID crisis.

Sa dami, isa ang nakaagaw ng aking pansin at ito ay ang ikinasang donation drive ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa pamumuno ni Governor Dodo Mandanas.

May temang ‘Help your loved ones back home PH’ ang kanilang donation drive.

Layon ng proyektong ito ng Batangas na madagdagan ang mga state-of-the-art medical equipment, at medicines and supplies sa lalawigan.

Kaya naman nakatuon ang kampanyang ‘Magiting International Drive Against COVID-19’ upang makalikom ng sapat na kagamitan mula sa mga Batangueñong nasa medical and business field sa ibang mga bansa, partikular na sa United States of America (USA).

Kahit pare-parehong dumaranas ng krisis, tiyak namang handang umalalay sa kanilang mga kababayan ang mga nasa ibayong dagat lalo na’t layon ng proyekto na maitaas ang kalidad ng health care services sa lalawigan, lalo na sa gitna ng pagharap sa kasalukuyang pandemya.

Pero huwag nang mag-aalala ang mga kababayan sa US dahil ayon kay Gov. Mandanas, katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa donation drive ang Asian Journal na tinatayang “most widely-circulated Filipino-American newspaper in the USA” at pagmamay-ari ng isang Pilipino.

Pagbibida pa ni Gov. ang Asian Journal ay may sirkulasyon sa Los Angeles at San Francisco sa California, Las Vegas sa Nevada, New Jersey, at New York sa Estados Unidos; at Vancouver, Canada.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang Asian Journal sa mga foundations sa North America na nakatuon sa pangangalap ng donasyon para sa pangangailangang pangkalusugan ng mga mahihirap.

Napakapositibo ni Gov. Dodo sa proyektong ito dahil marami daw Filipino doctors, nurses, at iba pang health care professionals sa America kaya tiyak siyang magtatagumpay ang kanilang donation drive.

Napag-alaman din natin na hindi lamang mga Batangueño ang makikinabang sa , state-of-the-art medical equipment, at medicines and supplies sa lalawigan kundi pati na rin ibang nangangailang Pilipino.

Ang saya ng ganitong programa na sana ay gayahin ng iba pang local government units dahil alam kong katulad ni Gov. Mandanas ay marami ring mga kababayang nasa abroad ang gustong tumulong sa kanilang pinagmulang bayan sa ngalan ng bayanihan sa panahong ito ng krisis na pangkalusugan at pang-ekonomiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *