Tuloy-tuloy ang tulong para sa Taal

Isang linggo matapos magsimulang mag-alburoto ang Bulkang Taal sa Batangas, dire-diretso ang relief ope­rations na hatid ni Vice President Leni Robredo.

tuloy tuloy ang tulong para sa taal - Tuloy-tuloy ang tulong para sa Taal
Barry Gutierrez Usapang Barrykada 14 - Tuloy-tuloy ang tulong para sa Taal

Isang linggo matapos magsimulang mag-alburoto ang Bulkang Taal sa Batangas, dire-diretso ang relief ope­rations na hatid ni Vice President Leni Robredo.

Sa tulong ng mga mapagkaloob na partners ng Angat Buhay program ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, agad tayong nakapaghatid ng ayuda sa iba’t ibang lugar na apektado ng pagsabog ng bulkan. Enero 14 pa lang nakapagsimu­la nang magkalap at maghanda ng mga ipamimigay sa ating mga kababayan, at sa araw ding iyon, diretso na sa Sta. Teresita at San Jose, Batangas ang Angat Buhay team. Kasama ang Sto. Tomas na nabisita kinabukasan, nakapagdala na tayo ng ‘di bababa sa 1,000 dust masks at 2,000 na food packs para sa ating mga kababayan.

Sa unang linggo nang mangyari ang kalamidad, limang evacuation centers agad ang personal na nabisita ni VP Leni. At sa loob lamang ng ilang oras mula nang maghanda, bitbit na ng buong grupo ang mga relief goods na kailangan ng mga kababayan na­ting inilikas at pansa­mantalang naninirahan sa mga evacuation center.

Disaster, Relief, and Rehabilitation (DRR) ang isa sa mga modes of engagement ng Angat Buhay program. Sa ilalim nito, layunin ni VP Leni hindi lang ang makapaghatid ng agarang tulong sa ating mga kababayang biktima ng sakuna, kung hindi ang patuloy na pagsubaybay at hangga’t sa maari, pagtulong sa kanila hanggang sa unti-unting makabawi.

Ikalawang linggo na ng patuloy na pag-iikot ni VP Leni sa Batangas at Cavite para magdala ng tulong, at para alamin din kung ano pa ang puwedeng maitulong. Sa kasalukuyan, nakapaghatid na tayo ng mga relief goods bilang tugon sa mga pa­ngangailangan ng ating mga bakwit sa iba’t ibang lugar. Maliban sa food packs na may lamang bigas, noodles, at canned goods, mayroon din ta­yong dalang hygiene kits na may lamang toiletries, face towels, pati mga damit na panloob. Namahagi rin tayo ng mga kumot at kutson, pati na siyempre ang mga dust mask at tubig inumin.

Sa tulong ng mga Angat Buhay partner, naging posible na makapamahagi tayo sa ating mga kababayan, at patuloy pa ang ating pagre-repack ng dumadagsa pang mga tulong para madala sa iba pang bakwit.

Sa ngayon nakataas pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal at ayon sa Phivolcs, maari pang maulit ang pagsabog nito. Mayroon ding naitalang 666 na paglindol na konektado sa pagputok ng Bulkang Taal simula Enero 12. Nakakabahala, pero hindi tayo dapat matakot.

Tulong-tulong ang mga ahensiya ng ating pamahalaan tulad ng DSWD, DOH at mga LGU sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

Dagdag pa rito ang puspusang pakikipagtulu­ngan ng mga inisyatibong gaya ng Angat Buhay ni VP Leni, na patuloy ang trabaho sa pagtugon sa mga pa­ngangailangan, at walang tigil na nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor para madala ang tulong na kailangan ng ating mga kababayang matapang na hinaharap ang ha­mon ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *