Tulong sa katutubong Guro

Nakakataba ng puso pag may naririnig tayong magandang mensahe mula sa mga taong ating natulungan. Aking tinutukoy ang labis na pasasalamat ni Teacher Shirley Dacuba sa Ako Bicol party-list at dalawa pang civic organizations matapos siyang makatanggap ng medical at educational supplies nitong nakaraang linggo.

The post Tulong sa katutubong Guro first appeared on Abante.

tulong sa katutubong guro - Tulong sa katutubong Guro
Zaldy Co Bicolano Ako ABANTE 750x430 1 2 - Tulong sa katutubong Guro

Nakakataba ng puso pag may naririnig tayong magandang mensahe mula sa mga taong ating natulungan. Aking tinutukoy ang labis na pasasalamat ni Teacher Shirley Dacuba sa Ako Bicol party-list at dalawa pang civic organizations matapos siyang makatanggap ng medical at educational supplies nitong nakaraang linggo.

Ilang gabi na kasing ‘di makatulog si Teacher Shirley sa kakaisip kung paano tuturuan ang kanyang klase kung wala naman siyang educational materials. Natapat pa naman ang kanyang pangangailangan sa panahon ng pandemya.

Si Teacher Shirley ay kabilang sa katutubong Agta Tabangnon sa Tiwi, Albay. Sa darating na pasukan, 34 na day care students sa kanilang komunidad ang kanyang tuturuan.

Nakarating sa inyong lingkod ang hinaing ni Teacher Shirley kaya’t hindi ako nag-atubiling tugunan an kanyang panawagan. Kaisa ng Ako Bicol party-list ang Rotary Club of Legazpi Central at Lion’s Club na naghatid ng face masks, alcohol, face shields, coupon bond at mga lapis sa tribong Agta Tabangnon sa Sitio Antom na matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Tiwi. Lingid sa kaalaman ng marami, kasama po sa parating tinutulungan ng AKB hindi lamang ang mga nasa kapatagan kundi maging mga naninirahan sa kabundukan.

Naiyak sa tuwa si Teacher Shirley sa natanggap na tulong mula sa AKB at sa dalawa pang civic groups. Hindi niya inaasahang bubuhos ang tulong kaya’t labis ang kanyang pasasalamat. Mapapanatag na rin ang kanyang kalooban bago magsimula ang pasukan sa Oktubre 5. Kaiba sa mga nakalipas na taon, susuungin ngayon ng ating mga guro sa buong bansa ang bagong estilo ng pagtuturo habang umiiwas sa coronavirus disease.

May ilang buwan na pong namamahagi ng face masks, alcohol, personal protective equipment at iba pang kagamitan ang AKB sa mga frontliners gayundin sa mga guro at non-teaching staff sa Bicol region. Bahagi ito ng aming inisyatiba upang mabigyan sila ng sapat na proteksyon laban sa COVID-19.

Nakalulungkot kasi ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga frontliners na nahahawa sa COVID 19. Pinakahuli dito ang dalawang nurses mula sa lalawigan ng Sorsogon. Sa kabuuan, higit 1,000 katao na ang tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region kung saan ang pinakabata ay isang buwang gulang na sanggol mula Camarines Sur.

Sa ngalan ng AKB, ako’y humihingi ng inyong pag-unawa kung muli kong uulitin ang pagpapaalala sa ating mga kababayan na manatili sa bahay kung walang mahalagang gagawin o pupuntahan sa labas. Sa mga nagtatrabaho naman, importanteng magsuot ng face mask, face shield at panatilihin ang social distancing. Ugaliin din paghuhugas ng kamay at tamang hygiene. Samahan na rin po natin ng pagdarasal sa Panginoon upang matigil na ang pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo.

The post Tulong sa katutubong Guro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *