Tubo sa loan dumoble ayaw nang bayaran

Meron po kasi akong utang sa Home Credit, 54k po ang cash loan ko, ang interest po nito umabot po ng 50k mahigit, suma total po ng babayaran ko ay 100k mahigit good for 3 years.

tubo sa loan dumoble ayaw nang bayaran - Tubo sa loan dumoble ayaw nang bayaran
Claire Castro Clear It 63 - Tubo sa loan dumoble ayaw nang bayaran

Good day Atty,

Meron po kasi akong utang sa Home Credit, 54k po ang cash loan ko, ang interest po nito umabot po ng 50k mahigit, suma total po ng babayaran ko ay 100k mahigit good for 3 years.

Ang nababayaran ko palang po ay 54k pero ‘yung interest ay hindi pa, at wala na po ako balak bayaran dahil nawala na po ako ng trabaho.

Makakasuhan po ba ako dahil hindi ko tinuloy ‘yung pagbabayad?
Maraming salamat po.

Yumi

Dear Ms. Yumi,
Alam mo na hindi maganda ang hindi magbayad ng utang. Ang P54K na binayaran mo ay para sa ­interest lamang. Ayon sa ating batas kapag ang utang ay may dapat na bayaran na interest ay dapat na unahing makaltas o mabayaran ang interest kaysa sa principal loan.

Kung may kasunduan kayo at pirmahan tungkol sa interest…iyon ang una mong dapat na bayaran.

Hindi magugustuhan ninuman ang ­balak mong huwag nang bayaran ang natitirang utang. In the first place kung hindi kayang magbayad ng utang o walang planong tuparin ang obligasyon ay huwag nang umutang dahil nakakaapekto yan sa mga nagpapautang. Iyang tubo lamang ang kinikita nila at ang pagpapautang sa di kakilalang tao ay isang sugal. Tandaan na nakinabang ka sa perang nautang mo.

Totoo na walang nakukulong sa utang ngunit kung mapapatunayan na wala kang balak magbayad sa umpisa pa lang ng negosasyon at nakuha mo lang ang tiwala nila para mapahirap ka ng pera ay maaari kang kasuhan ng estafa o swindling.

Yumi, makipag-usap ka na lang sa ­nagpautang sa iyo para hindi rin masira ang ­pangalan mo dahil darating ang panahon na makikilala kang mangungutang na ‘di nagbabayad.

***
Kung may mga katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 02 45 o 85142143 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.Please subscribe to Atty.Claire Castro youtube channel. Marami pabg batas ang mapag uusapan kaya’t manood ng mga videos sa aking youtube channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *