Tips para kay Nay at Tay sa tag-ulan

Ilang araw na tayong nakakaranas ng maulang hapon o maulang umaga.

tips para kay nay at tay sa tag ulan - Tips para kay Nay at Tay sa tag-ulan
WALA KAYO SA MAMA KO Ni Risa Hontiveros - Tips para kay Nay at Tay sa tag-ulan

Ilang araw na tayong nakakaranas ng maulang hapon o maulang umaga.

Kasabay ng ulan ang mga sakit na dala at pwedeng mapalala nito: trangkaso, ubo’t sibon, allergy, leptospirosis (dahil sa baha), at lalong-lalo na ang dengue. Bukod pa dito ang panganib ng posibleng pagbaha at flashflood lalo na kung nakatira tayo sa mga flood-prone areas. Napakahirap magkasakit ngayon, bukod sa gastos, mas masalimuot ang proseso sa pagpapacheck up sa mismong clinic ng doktor.

Kaya bilang mga nanay at tatay, siguraduhin nating malusog at malayo ang ating mga anak sa sakit lalo pa’t nandiyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Ito ang ilan sa mga ginagawa ko para sila ay protektado:

1. Panatilihing malinis ang kapaligiran. Ang pagiging malinis sa ating bahay at bakuran ay naglalayo sa lamok, iba pang insektong nagdadala ng sakit, at daga. Kapag inalis din natin ang mga kalat, maiiwasan ang pagbaha na nagdadala ng kontaminadong tubig.

2. Tanggalin o takpan ang mga nakaimbak na tubig. Konektado ito sa tip #1. Stagnant water ang pinamumugaran ng lamok na nagdadala ng dengue. Gustung-gusto nila ang mga basang lugar at doon pa sila nangingitlog. Kaya kung may mga lumang gulong, basyo ng softdrinks o kahit anong bote, inflatable pools, at mga pwedeng pag-ipunan ng tubig, itapon o ipagbenta na lang ito.

3. Pakainin sila ng masusustansiyang pagkain pampatibay ng resistensiya. Hindi sapat na nasa labas lang ang proteksyon. Dapat simulan natin sa tamang pagkain at nutrisyon. Dagdagan ng gulay ang ulam choices nila. Maging creative! Minsan kasi makita pa lang nila yung kulay green sa pagkain, inaayawan na agad. Kaya palihim at patagong ilagay ang gulay sa inyong mga niluluto. Ang scrambled egg, pwedeng lagyan ng kamatis. Ang lumpiang shanghai, dagdagan ng carrots at kalabasa. Ang ulam na sabaw, dagdagan ng malunggay.

4. Siguraduhing malinis ang tubig-inumin. Kapag umuulan, marami ring nagkakasakit dahil sa kontaminadong tubig. Pakuluan ang tubig bago ito inumin. Malinis at wasto rin dapat ang pagahahanda natin sa ating mga pagkain,

5. Gumamit ng insect repellent. Kung kapos naman sa budget, huwag kalimutang magkulambo lalo na kapag matutulog sa gabi. Nakalapat at selyado dapat ang kulambo para walang espasyo o butas kung saan pwedeng pumasok ang lamok. May mga gumagamit ng citronella oil para itaboy ang lamok pero patuloy pa rin ang pag-aaral tungkol dito.

6. Ihanda rin natin ang ating mga emergency at go bags sakaling bumaha. Siguraduhing may first aid kit, gumaganang flashlight, extrang pagkain, damit, hygiene kit, bottled water, at radyong de baterya sa inyong mga bag.

Ang atensyon ng buong bansa ay nasa pagsugpo ng COVID-19. Lahat tayo ay abala sa paglalagay ng face mask, paghuhugas ng kamay at social distancing kapag nasa pampublikong lugar. Pero huwag nating kalimutang magbantay at magmantiyag sa iba pang banta sa kalusugan ng ating mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *