Telcos pinupuntirya

Ang panahon kung­ saan mataas at patuloy na tumataas ang paggamit ng lipunan sa internet sa ating mga gawaing pangaraw-araw ay narito na. Ang internet ay hindi lamang para sa mga kinasanayan nating gamit dito, ito rin ay ginagamit sa mahahalagang adhikain at mga aktibidad, kagaya ng para sa kalusugan at edukasyon. Ang internet at ang signal para sa mga cellphones ay magkatuwang.

telcos pinupuntirya - Telcos pinupuntirya
TALAGA ba 3 - Telcos pinupuntirya

Ang panahon kung­ saan mataas at patuloy na tumataas ang paggamit ng lipunan sa internet sa ating mga gawaing pangaraw-araw ay narito na. Ang internet ay hindi lamang para sa mga kinasanayan nating gamit dito, ito rin ay ginagamit sa mahahalagang adhikain at mga aktibidad, kagaya ng para sa kalusugan at edukasyon. Ang internet at ang signal para sa mga cellphones ay magkatuwang.

Marami pa ring mga lugar ang hindi nakakaranas ng sapat na signal. Kamakailan, naiulat na sa Pag-asa Island, na kabilang sa tinatawag nating Kalayaan Island Group, ang ginagamit na signal ng mga tao ay mula sa China o sa Vietnam. Ang isang malaking dahilan nito ay ang kakulangan o kawalan ng mga pasilidad—kagaya ng cellsite o tower—na pangunahing pangangailangan sa ganitong uri ng serbisyo. Tila ang dahilan na lumalabas kung bakit ganito tayo ay ang kawalan ng interes o kakayahan ng mga telecom company na mamuhunan para sa pagpapaganda ng kanilang mga serbisyo.

Sinasabi rin na kung hindi wala, mabagal o mahina ang signal, napakamahal din ng halaga nito. Ayon sa ilang mga pagsisiyasat, ang Pilipinas ang may pinakamahal na singil ng internet sa buong rehiyon ng Southeast Asia. Ang puntong ito ay mas masaklap na sitwasyon para sa marami. Sinasabi na ang kawalan ng mga mahihirap ng pagkakataong makasabay sa tinatawag na digital age ay higit na nagpapalawak ng agwat ng antas ng kabuhayan at nagpapamukha sa kanila na sila ay mahirap.

Sa nakaraang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya sa mga telecom company dahil sa sinasabi niyang masamang serbisyo ng mga ito. Kahit hindi lagyan ng kulay ng pulitika ang usaping ito, marahil, marami-rami ang sasang-ayon sa ganitong obserbasyon.

Ang kakayahang piliin at gamitin ang isang isyu na malapit sa tao ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit mataas ang popularidad ni Duterte. At kapag dinagdagan ang isyu ng anggulong tayo laban sa kanila—kung saan ang tayo ay ang taong-bayan at ang kanila ay ang mga kabilang sa oligarkiya o mga mayayamang nagsasamantala—ito naman ang nagiging dahilan kung bakit marami ang naglalarawan sa kanya bilang isang populista. Ito ang tawag sa isang pinuno na ang bukang-bibig ay paninisi sa mga mayayaman para sa mga suliraning ng lipunan at kung paano naaapi ang mga mahihirap.

Nguni’t hindi kaya mali ang tinatahulan ng pamahalaan? Hindi kaya may higit na mga detalyadong dahilan kung bakit nahihirapang makabulusok ang telekomunikasyon sa atin? Ang isa dito ay ang sinasabing lubhang napakahirap at napakatagal na proseso sa pagkuha ng mga permit para makapag-tayo ng mga cell sites, mula sa pamahalaang lokal hanggang sa nasyonal.

Sa halip na pag-punterya sa mga telecom company dapat kalampagin din ni Duterte ang mga sangay ng pamahalaan na nakakadagdag sa problema upang mapabilis at mapadali ang mga proseso hinggil dito, maliban na lamang kung iba ang pakay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *