Tech-Voc: Para sa masayang pagbabago

Isa po sa mga kauna-unahang batas na isinulong natin sa Senado­ ang Republic Act 10970 na nagtatalaga sa ika-25 ng Agosto kada taon bilang Pambansang Araw ng Tech-Voc.

tech voc para sa masayang pagbabago - Tech-Voc: Para sa masayang pagbabago
MR.trabaho - Tech-Voc: Para sa masayang pagbabago

Isa po sa mga kauna-unahang batas na isinulong natin sa Senado­ ang Republic Act 10970 na nagtatalaga sa ika-25 ng Agosto kada taon bilang Pambansang Araw ng Tech-Voc.

Layunin po ng ­batas na ito ang imulat ang kama­layan ng mga ­Pilipino sa mahalagang papel ng Technical Vocational­ Education and Training o “Tech-Voc” sa pagsulong ng kabuhayan ng mamamayan at ng ekonomiya ng bansa.

Nais din po nating matuklasan at maunawaan ng mga kabataan na magandang karera ang Tech-Voc upang pagyamanin ang sarili, iahon ang pamilya, at paunlarin­ ang bayan.

Napatunayan na po natin sa maraming pagkakataon ang matibay nating pinaniniwalaan: na ang Tech-Voc ay daan sa masayang pagbabago.

Noon, si Cherry Galit ay isang college dropout dahil sa kakulangan ng kakayahang pinansyal na pinatindi pa ng mga suliranin sa pampamilya at ng malubhang karamdaman ng kanyang ina.

Nang maka-graduate si Cherry sa Food and Beverage Services at ­Bartending at nabigyan ng mobile bar package ng kumpanyang ka-partner ng TESDA noong 2014, isa na po siya ngayong professional bartender at may-ari ng tatlong JCAB I-Mix Mobile Bars.

Nakaranas din noon ng matinding hirap sa buhay si Rolan Butalid at ang kaniyang ­pamilya sa isla ng Camiguin. Nagtrabaho siya noon bilang waiter, at ­naging cashier­, hanggang ­maging cook. Sa kagustuhang makapag-abroad, sinunod niya ang payo ng kaibigang kumuha ng tech-voc training sa hotel and restaurant management. Ngayon, si Rolan ay isa nang professional caterer, matagumpay na pinamamahalaan ang sariling negosyo sa Camiguin, at patuloy na umaasenso.

Sa nagdaang limang taon, mula 2014 ­hanggang 2018, umabot po sa 10.5 milyon ang naka-graduate sa iba’t ibang Tech-Voc courses kung saan 72 kada 100 ang agad nagkaka­trabaho sa loob ng anim hanggang isang taon pagka-graduate.

Subalit malaki at marami pa rin po ang dapat nating harapin upang lubusang mapakinabangan ang magagandang bunga ng Tech-Voc.

Patuloy po nating isusulong sa ating mga panukalang batas ang enterprise-based training upang tiyaking akma ang ating mga pagsasanay sa mga pangangailangan ng mga industriya.

Paiigtingin din po natin ang innovative research sa Tech-Voc sa pamamagitan ng ­pagtataguyod ng mga Centers of Excellence para magkaroon ng pandaigdigang competitive edge ang ating mga graduates.

Lagi nating ­dalangin ang masagana at magandang buhay para sa bawat pamilyang ­Pilipino. Happy 2nd National­ Tech-Voc Day po sa ating lahat!

Job fair schedule
Pandi Job Fair: Pandi Sport Complex, Pandi, Bulacan, August 26.
PESO Alabat Job Fair: Municipal Building, Alabat, Quezon, August 28.
Camarines Norte Job Fair: Labo Convention ­Center, Camarines Sur, August 29.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *