Tayo ay magpapatuloy

Sa oras na mabasa niyo ang kolum na ito, tapos nang maghatid ng kanyang ikaapat na talumpati para sa State of the Nation Address (SONA) ang ating butihing Pa­ngulong Rodrigo Roa Duterte. Bagama’t gusto ko sanang isulat ito pagkatapos ng talumpati ni Presidente, ngunit may mga bagay talaga na hindi saklaw ng ating oras tulad na lamang ng deadline. Gayumpaman, sigurado akong mara­ming mangyayari at sasabihin si Presidente tulad na lamang noong nakaraan niyang SONA. Anuman ang hindi ko maisulat dito ngayon ay puwede kong sabihin sa aking susunod na kolum.

The post Tayo ay magpapatuloy appeared first on Abante News Online.

tayo ay magpapatuloy - Tayo ay magpapatuloy
Abante Harry Roque Ok ka Harry - Tayo ay magpapatuloy

Sa oras na mabasa niyo ang kolum na ito, tapos nang maghatid ng kanyang ikaapat na talumpati para sa State of the Nation Address (SONA) ang ating butihing Pa­ngulong Rodrigo Roa Duterte. Bagama’t gusto ko sanang isulat ito pagkatapos ng talumpati ni Presidente, ngunit may mga bagay talaga na hindi saklaw ng ating oras tulad na lamang ng deadline. Gayumpaman, sigurado akong mara­ming mangyayari at sasabihin si Presidente tulad na lamang noong nakaraan niyang SONA. Anuman ang hindi ko maisulat dito ngayon ay puwede kong sabihin sa aking susunod na kolum.

Ang tatalakayin ko sa kolum na ito ay patungkol sa Kongreso at Senado.

Siguro naman sa ngayon ay pareho nang nakapili ng mga lider ang Kongreso at Senado. Isa na siguro sa naging pinakamapangha­mon ay ang pagpili ng House Speaker at Se­nate President na siyang umabot sa anim na linggo ang naging debate at desisyon. Dati ko pang sinasabi na ako’y nagagalak sa mga pangyayari sa politika ngunit kaila­ngan itong isantabi at magtrabaho para sa taumbayan na naghalal ng kanilang mga lider.

Ngayon na ang tamang oras.

Sa susunod na tatlong taon, makikita natin kung paano magtrabaho ang ating mga kongresista sa Kongreso at inaasahan ko na lahat sila’y magtatrabaho nang naaayon sa kanilang sinum­paan. Kung sinuman ang nahalal (nais ko lang ipabatid na ang kolum na ito ay isinulat ko bago ang aktuwal na SONA) ay may kagyat na responsibilidad na kailangan tanganan para pamunuan ang lehislatibo patungkol sa tungkulin at mandato nito sa taumbayan.

Umaasa ako na alam nila ang kanilang ginagawa para sa ikabubuti ng bawat Pilipinong bumoto at hindi bumoto sa kanila. Nawa’y naiintidihan din nila kung ano ang pinasok nilang mundo kung saan karamihan ng kanilang oras at lakas ay ilalaan para sa ikabubuti ng nakararami. Iba ang pag­lilingkod sa taumbayan at nawa’y ito ay naiintindihan ng bawat isang nahalal sapagkat ang politika ay hindi daan para magpayaman kundi magsilbi.

Higit sa lahat, inaasahan kong na kung sinuman ang uupo bilang House Speaker at Senate President ay magi­ging gabay sa bawat pinuno ng kanilang sangay dahil ngayon pa lang nag-uumpisa ang tunay na laban at trabaho. Sabay-sabay tayong magpatuloy para sa isang progresibong bansa!

The post Tayo ay magpapatuloy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *