Tablan sana ng hiya

Ang sakit sa bangs nitong Philippine Olympic Committee (POC).

The post Tablan sana ng hiya appeared first on Abante News Online.

tablan sana ng hiya - Tablan sana ng hiya
Abante Kaye Dacer Aksyon Lady 1 - Tablan sana ng hiya

Ang sakit sa bangs nitong Philippine Olympic Committee (POC).

Ayaw sana nating patulan ang mga isyu sa sports kaso nakakagigil ang katigasan ng mukha ng ilang opisyal dito na kapit-tuko pa rin sa posisyon.

Apat na buwan na lamang ang nalalabi bago magsimula ang Southeast Asian Games kung saan Pilipinas ang host pero dahil sa kaguluhan sa POC, hindi makaarangkada ang preparasyon. Kapag nagkataon, mapapahiya tayo sa international community.

Maayos na sana ang takbo nang magpatawag ng special elections si POC chairman Bambol Tolentino para sa posisyon ng presidente ng organisasyon nang biglang nagbitiw sa tungkulin si Ricky Vargas. Nakasaad kasi sa POC bylaws ang pagpapatawag ng special elections ng chairman.

Sa halip na sumunod sa patakaran, isinulong ng kampo ni Peping Cojuangco si 1st vice president Joey Roma­santa na maipuwestong presidente kapalit ni Vargas. Ito ay kahit hindi naman kuwalipikado si Romasanta.

Para maging kuwa­lipikado, kailangang nahalal muna bilang NSA president ng olympic sports. Kaila­ngan ding aktibong miyembro ng POC ge­neral assembly sa dalawang magkasunod na taon. At walang ganitong kuwalipikasyon si Romasanta.

Hindi nga naitago ni Romasanta ang pagka-atat sa puwesto dahil kahit nakuwestiyon ang kanyang kuwalipikasyon, nagpakilala na itong president ng POC kaya naman nagpalabas ng abiso ang POC board na magkaroon ng general assembly noong June 25 pero pagdating ng naturang petsa, kinuwestiyon ang general assembly dahil labag daw ito sa POC bylaws dahil kailangang may 10 araw ang abiso.

Bago matapos ang meeting ay nagkaroon ng commitment ang POC board na mag-resign para makapaghalal ng bagong set of officers. Okey na sana pero nagbago na naman ang ihip ng hangin. Nag-atrasan ang mga magre-resign at tanging sina Tolentino at board members Clint Aranas at Cynthia Carrion lang ang tumupad.

At sa gitna ng lahat ng ito, tuloy sa pagkilos si Romasanta para kunin ang puwesto sa katuwirang kuwalipikado siyang maging POC president. At hindi nag-iisa si Romasanta, kakampi niya si Peping sa pagbibigay ng mga baluktot na katwiran.

Habang hindi naaa­yos ang gusot na ito at habang ayaw bumitiw ang mga kapit-tuko sa puwesto, nanganganib na maging malabnaw ang preparasyon ng bansa para sa SEA Games. ‘Pag nagkataon, nakakahiya tayo!

Talaban sana ng katiting na hiya ang mga magugulong POC officials at bakantehin nilang lahat ang kanilang puwesto. Unahin ang kapaka­nan ng mga Pilipinong atleta bago isulong ang sarili nilang interes. Linisin na ang POC!

The post Tablan sana ng hiya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *