Suporta sa maliliit at lokal na negosyo

Noong Huwebes ay nagkaroon kami ng webinar — Kita Tayo! Tulong-tulong para sa mga maliliit na negosyo. Naging makabuluhan ang aming diskusyon sa mga pagsubok sa micro, small and medium enterprises.

The post Suporta sa maliliit at lokal na negosyo first appeared on Abante.

suporta sa maliliit at lokal na negosyo - Suporta sa maliliit at lokal na negosyo
Risa Hontiveros Wala Kayo Sa Mama Ko 750x430 1 1 - Suporta sa maliliit at lokal na negosyo

Noong Huwebes ay nagkaroon kami ng webinar — Kita Tayo! Tulong-tulong para sa mga maliliit na negosyo. Naging makabuluhan ang aming diskusyon sa mga pagsubok sa micro, small and medium enterprises.

Humanga ako sa mga small business owners na guest namin, sina Kaira at Sea. Si Sea ay restaurant owner at si Kaira naman ay may patahian. Pareho nilang nai-maniobra ang direksyon ng negosyo: si Sea ay nag-online, at si Kaira naman, nanahi ng PPEs para sa frontliners.

Nakasama rin natin si Kuya Richard na nawalan ng trabaho nang magsara ang pinagtrabahuang events place. Bilib ako sa naging diskarte niya na dahil sa urban gardening ay may naipakain sa pamilya. Ngayon, pumasok na rin sya sa online selling.

Maganda rin ang mga programang ibinahagi ni Ms. Veronica Gabaldon, executive director ng Philippine Disaster Resilience Foundation. Sa kanilang SIKAP MSME Recovery Hub project, tinutulungan nila ang mga negosyante na makaahon sa krisis ngayon.

Importante kasing mapanatiling bukas ang mga negosyo, para may trabaho pa rin ang mga Pilipino, at buhay pa rin ang ekonomiya. Ito ang mga mungkahi ko ukol diyan:

1. Alalayan ang ating MSMEs tungo sa digital o online platform. Dapat may nakahandang suporta at tools para sa digitalization ng tradisyunal na mga negosyo. Readily-available at accessible dapat sa kanila ang libreng webinars at trainings, applications at software na pwedeng gamitin sa negosyo, pagbubukas ng daan para sa digital sales and payment platforms, at marami pang iba.

2. Lifesaver loans para maiwasan ang pagsasara. Kahit na pautang, ito ay may mababang interes at flexible ang paghuhulog. Magkakaroon ng kumpyansa ang mga banko na magpautang at ang negosyante naman na mangutang. Kaya pinush natin sa Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2 bill na maglaan ang gobyerno ng pera bilang pautang sa mga maliliiit na negosyo.

3. Buy local at suportahan natin ang maliliit na negosyo. Kustomer ang bumubuhay sa mga negosyo. Kaya para mapigilan ang pagsasara ng mga ito, tangkilikin at isulong natin ang mga maliliit na negosyo. Sa panahong ito, sigurado akong lahat tayo ay may mga kakilalang nagnenegosyo. Sila sana ang una nating maisip kung kailangan natin ng pagkain, inumin, face masks, at iba pang essential needs.

Ang matatag na suporta para sa mga negosyanteng Pinoy ay susi para mapasigla muli ang ating ekonomiya. Isa rin ito sa mga paraan para masiguradong may pagkain sa hapag-kainan ang bawat pamilyang Pilipino gaya ni Kuya Richard, at mga empleyado nina Sea at Veronica, sa gitna ng pandemyang ito.

The post Suporta sa maliliit at lokal na negosyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *