Supilin ang terorista

Dear Abante:
Malaki ang paniniwala ko na katulad ng apat na kawani ng pulisya na brutal na pinaslang ng mga teroristang New People’s Army, noong nakalipas na June 28 sa Sitio Yamot, Barangay Mabato, Ayungin, Negros Oriental ay biktima lamang din si kapitan Sunny Caldera.

The post Supilin ang terorista appeared first on Abante News Online.

supilin ang terorista - Supilin ang terorista
Sulat kay Editor - Supilin ang terorista

Dear Abante:
Malaki ang paniniwala ko na katulad ng apat na kawani ng pulisya na brutal na pinaslang ng mga teroristang New People’s Army, noong nakalipas na June 28 sa Sitio Yamot, Barangay Mabato, Ayungin, Negros Oriental ay biktima lamang din si kapitan Sunny Caldera.

Base kasi sa mga nababasa, napapanood at napapakinggan ko na mga balita ay nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide si Kapitan Caldera, ilang araw matapos ang karumal-dumal na ginawa ng mga NPA.

Una, maaring tawag ng konsensya kaya mas pinili ni Kapitan na wakasan ang kanyang buhay; Ikalawa, maaring natakot ito sa pananagutang kakaharapin sa pamahalaan; Ikatlo, maaring inipit ito ng mga terorista kaya naging sunod-sunuran noong ipatawag ang kaawa-awang mga pulis, at Ika-apat maaring matagal na itong nakikipagsabwatan sa mga NPA para sa pansariling kapakanan.

Malinaw na ang dapat tugisin sa brutal at hindi makataong pagpaslang sa apat na pulis ay ang totoong may SALA, ang teroristang NPA.

Ang traydor na gawaing ito ng mga terorista na walang habas na paglabag ‘di lamang sa karapatang pantao ma­ging sa pananagutan sa Poong Maykapal.

Kaya naman, kasama po ako sa panawagan sa ating mga kababayan na makiisa sa pagsuplong sa mga terorista, hindi lamang sa kabundukan maging sa kapatagan, higit sa lahat sa panawagan lalo na sa mga mambabatas na nagkukubli sa mga inerereppresenta sa Kongreso o Senado na sana po ang inyong paglilingkod at pananagutan ay para sa taumbayan at hindi ang pansariling kapakanan.

Salamat po,
Claire Ann Bediya.

The post Supilin ang terorista appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *