Sumunod sa kasunduan

Dear Atty. Claire,
Gusto ko lang po magpa-advise kung ano gagawin ko pa kasi marami din po ako utang sa dahilang may colon cancer tatay ko po ngayon every month Naman po ako na nagbabayd ng interest Kaya Lang po nadelay lang ako ng 1month pero pinabarangay na nila ako at ipapulis pa daw po ako. 

The post Sumunod sa kasunduan appeared first on Abante News Online.

sumunod sa kasunduan - Sumunod sa kasunduan
Abate Claire Castro Clear It - Sumunod sa kasunduan

Dear Atty. Claire,
Gusto ko lang po magpa-advise kung ano gagawin ko pa kasi marami din po ako utang sa dahilang may colon cancer tatay ko po ngayon every month Naman po ako na nagbabayd ng interest Kaya Lang po nadelay lang ako ng 1month pero pinabarangay na nila ako at ipapulis pa daw po ako. 

Pinapakiusapan ko sila na unti untiin ko po ung bayad pero ayaw nila at magfifile na daw sila ng case sa akin. Every month 14k binabayd ko na interest po  kasi 7percent po interest.  Wala po ba ako karapatan kasi pinupwersa po ako na bayaran po sila.

Salamat po,
Anna Marie

Ms. Anna Marie,
Totoo na dapat bayaran ang utang  at kung anuman ang pinagkasunduan ninyo tungkol sa pagbabayad ng utang ay dapat na masunod dahil ang kasunduan ang siyang batas sa inyong pagitan.

 Ngunit may mga pagkakataon na kahit nagkasundo kayo ay dapat na ang mapatunayan na ang probisyon ng kasunduan ay ligal at hindi labag sa batas. Ligal man ang naging kasunduan ay aalamin pa rin ng korte kung makatao ba at katanggap-tanggap ang probisyon sa kasunduan.

 Tulad ng inyong kasunduan ay dapat mapatunayan ng nagpautang na ang kasunduan tungkol sa interes ay nakasulat at hindi usapang bibig lang. Kung walang written agreement tungkol dito ay hindi ka obligadong magbayad ng interes.

 Pangalawa, kung hindi na makatao ang interes na ipinapataw ay ang korte ang siyang magpapasya ng tamang interes na dapat bayaran ng isang may utang at dito papasok ang principle of equity.

 Sa ngayon ay wala kang karapatan na tutulan ang ipinapataw nilang interes sa iyo dahil iyan ang inyong kasunduan pero kapag naisampa po sa korte ang usapin ay doon ka lamang magkakaroon ng karapatan huwag silang bayaran ng ganoon kalaki kung sakaling papaboran ka ng korte matapos mapatunayan ang hindi katanggap-tanggap na usapan sa interes.

***
Dear Atty. Claire,
Good Day  po. Ask ko  po kung saan sa­ngay dapat pumunta para malaman kung sino ang may ari ng isang lupa na kinatitirikan ng bahay ko  o kung meron bang may-ari nito at paano ito maipapa­ngalan sa isang tao kung walang pang nagmamay-ari nit0? 

Salamat po,
Roberto

Mr. Roberto,
Ang isa sa mga sangay na maaari mong puntahanupang malaman kung ang lupa na inookupahan mo ay mayroon ng may-ari ay ang Tax Mapping Division sa inyong munisipyo o lungsod.

Ang tax mapping ay isang paraan na ginagawa upang malaman at matukoy ang mga parsela ng lupa at ma-classify ito para sa tamang pagbaba­yad ng buwis. Sa tax mapping din malalaman kung ang isang property ay deklarado na inookupahan o may titulo na.

Makipag-ugana­yan lamang sa Tax Mapping Division at ibigay ang address ng nasabing lugar at makikita sa record nila kung ang lupa ay titulado na.

Maaari ka rin pumunta sa Assessor’s Office at sabihin ang address ng iyong tinutuluyan at sabihin na nais mo ipadeklara ito sa pa­ngalan mo at ito ay iyong ipasuri (ocular inspection) at kapag nabatid nila na qalified ito na ideklara sa pangalan ay magkakaroon ka ng real property tax declaration at babayaran mo ang amilyar taon-taon.

The post Sumunod sa kasunduan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *