Siyam na cong panakip butas nga ba ?

Usap-usapang nagbubunyi raw ngayon ang tanggapan ni Presidential Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica dahil sa ingay na ginawa ng pagsisiwalat sa mga pangalan ng mga mambabatas sa umanoy korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

The post Siyam na cong panakip butas nga ba ? first appeared on Abante.

siyam na cong panakip butas nga ba - Siyam na cong panakip butas nga ba ?
EDITORIAL LOGO AKSYON Lady Kaye Dacer - Siyam na cong panakip butas nga ba ?

Usap-usapang nagbubunyi raw ngayon ang tanggapan ni Presidential Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica dahil sa ingay na ginawa ng pagsisiwalat sa mga pangalan ng mga mambabatas sa umanoy korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hindi ba’t pinangalanan bago magpalit ang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang siyam na kongresista at kinaladkad sa isyu ng korapsyon sa mga infrastructure project sa ilalim ng DPWH.

Ang sinamang-palad na masama sa listahan na hindi naman beripikado ay sina ACT-CIS party list Rep. Eric Yap; Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman; Isabela 4th District Rep. Alyssa Tan; Misamis Occidental 2nd District Rep. Henry Oaminal; Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza; Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato; Quezon 4th District Rep. Angelina Helen Tan; Quezon city 5th District Rep. Alfredo Vargas at dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat Jr.

Ang sakit ng inabot ng mga kongresista dahil mismong ang Pangulo ang umaming walang ebidensiyang nag-uugnay sa mga kinaladkad na kongresista.

Hindi ba’t katawa-tawa ito sa panig ng PACC.

Wala kang ebidensya para patunayan ang pagkakasangkot ng mga mambabatas pero may lakas ng loob kang pangalanan ang mga ito?

Anong klaseng investigating body ka?

Sa mga susunod na imbestigasyong ilalabas ng PACC, ganundin ba ang sistemang kanilang ipaiiral.

Maglantad ng mga pangalan pero wala namang sapat na ebidensya?

Hindi ito tama, nakakasira ito sa mga politiko o kung sinomang indibiduwal. Dapat ay seryosohin ang pag-iimbestiga ng PACC, maglabas ng karampatang dokumento sa mga ibinabatong alegasyon para may maniwala sa inyong ilalabas na pasabog.

Aba’y parang supot na pasabog ang inilabas ninyo dahil sa kawalan ng sapat na dokumento at higit sa lahat ay inilalagay ninyo sa alanganin ang Pangulo sa inyong ginawa.

Pag-aaksaya lang ng pondo ng bayan ang PACC kung ganyang babaw lang ng imbestigasyon ang kanilang gagawin.

Hindi kaya totoo ang haka-haka ng mga inakusahang kongresista na may kaugnayan lang ang pasabog na ito ng PACC chief para matabunan ang kasong kinakaharap ni Belgica sa Ombudsman.

Si Belgica ay pinaiimbestigahan sa Ombudsman ng mga empleyado ng Duty Free Philippines Corp. (DFPC) para sa kasong kriminal na Anti-Graft and Corrupt Practices Act at maging kasong administratibo na Grave misconduct.

Ano nga ba ang katotohan sa likod ng mga pasabog na ito ng PACC?

The post Siyam na cong panakip butas nga ba ? first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *