Sindikato ng mga pulis at chiching nambibiktima ng matutulis na papa

Alam niyo bang may grupo ng mga pulis at mga batang babaeng magaganda at sexy na gumagala sa mga night spot at high-end establishments, malls, gyms at kahit sa golf courses, naghahanap ng mga lalaking bibiktimahin?

The post Sindikato ng mga pulis at chiching nambibiktima ng matutulis na papa appeared first on Abante News Online.

sindikato ng mga pulis at chiching nambibiktima ng matutulis na papa - Sindikato ng mga pulis at chiching nambibiktima ng matutulis na papa
Abante Deo Macalma Bubwiy ni Deo - Sindikato ng mga pulis at chiching nambibiktima ng matutulis na papa

Alam niyo bang may grupo ng mga pulis at mga batang babaeng magaganda at sexy na gumagala sa mga night spot at high-end establishments, malls, gyms at kahit sa golf courses, naghahanap ng mga lalaking bibiktimahin?

Yes mga pare at mare, totoo. Oh ‘yung mga opisyal at negos­yanteng mahilig sa mga batang chi­ching basahin niyo ‘to at baka mamaya eh mapasama kayo sa masampolan ng grupo at matangayan ng malaking halaga.

Ayon sa aking bubwit, tatlo na ang nadale ng sindikato kabilang ang isang negosyante, isang investor at isang expat na pawang sumuka ng malalaking halaga para lang huwag makasuhan at makaiwas sa katakot-takot na eskandalo.

Puwedeng marami nang nabiktima ang grupo pero hindi na lang kumikibo para hindi na maungkat na matutulis pala.

Ayon sa aking bubwit, style ng sindikato na maghanap at pumuntirya ng la­laking mukhang may sinasabi o paldo na nag-iisa sa bar o kung saan man. Lalapitan siya ng bata at seksing chiching at chichikahin hanggang sa magkaayos sila na lumabas o mag-date.

Ayon sa aking bubwit, kapag nasa motel na o hotel ang dalawa ay biglang susulpot ang mga pulis na kasabwat ng babae, dadambahin ang party ika nga at tatakutin ang lalaki na menor de edad ang chiching na kasama niya sa motel at sa­sabihin na kakasuhan dahil swak ang ginawa nito sa statutory rape.

Siyempre nga naman matatakot ang biktima na makasuhan ng non-bailable na statutory rape, na dahilan ng mahabang panahon na pagkakulong ni dating Congressman Romeo Jalosjos.

Isa sa tatlong biktima ng sindikato ng mga pulis, spotters at bata at magagandang chiching ay Hapon na nadale sa Malate, Maynila at ang isa naman ay negosyante na naisahan ng grupo sa isang golf course sa Cavite habang ang isa naman ay Kor­e­ano. Nalaman ang inabot ng mga biktima nang minsang magkakuwentuhan ang kanilang mga abogado at nalamang iisang grupo ang nakadale sa kanilang mga kliyente.

Ang isinuka ng mga biktimang negosyante, investor at expat ay tumatagin­ting na tig kakalaha­ting milyong piso. Ang balita nating napunta sa mga pain na chi­ching, bente mil.

The post Sindikato ng mga pulis at chiching nambibiktima ng matutulis na papa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *