Sexuality education pangontra sa HIV

Kung may isang bagay na hindi puwedeng makompromiso sa buhay ng mag-aaral, ito ay ang kanyang kalusugan. Magiging balewala lang ang kaalaman, karunungan at magandang kalidad ng edukasyon kung wala naman sa maayos na kondisyon ang kanyang panga­ngatawan o mayroong malalang karamdaman.

sexuality education pangontra sa hiv - Sexuality education pangontra sa HIV
Win Gatchalian Win Sa Edukasyon 13 - Sexuality education pangontra sa HIV

Kung may isang bagay na hindi puwedeng makompromiso sa buhay ng mag-aaral, ito ay ang kanyang kalusugan. Magiging balewala lang ang kaalaman, karunungan at magandang kalidad ng edukasyon kung wala naman sa maayos na kondisyon ang kanyang panga­ngatawan o mayroong malalang karamdaman.

Isang krisis na kinakaharap ng kabataan ang lumolobong bilang ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV.

Ang problema kasi ay walang sapat na impormasyon na maaari sana nating ipalaganap sa mga paaralan. Nakababahala na sa kabila ng mga pagsisikap natin, lalo pang dumadami ang ating mga kababayang nagkakaroon ng HIV.

Nakakalungkot mala­man ang tungkol sa ulat ng Joint United Nations Program on HIV and AIDS (UNAIDS) na sa 77,000 na pinoy na mayroong HIV, 19,000 rito ay nasa edad na 15 hanggang 24.

Atin pang napag-alaman na sa pagtatapos ng 2019, 36 ang naitalang kaso ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH) kada araw. Mas mataas ito sa 35 kada araw na kasong naitala noong Hulyo 2019 at 32 na kasong naitala kada araw noong 2018.

Sa mga bagong kasong naitala, 81 porsiyento ay mula sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki. Nasa 27.9 porsiyento lamang sa kanila ang sakop ng prevention program, habang 49.8 porsiyento naman ang gumagamit ng condom bilang proteksyon.

Ayon pa sa UNAIDS, sa Pilipinas pinakamabilis na kumalat ang HIV kung ihahambing sa ibang bansa. Hindi biro ang suliraning ito, kaya naman lubos ta­yong nananawagan sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHEd) at DOH na palakasin ang mga programa laban sa HIV.

Isa po sa posibleng solusyon dito ay ang pagtuturo ng Sexuality Education sa mga paaralan. Naniniwala tayo na dapat na ina­alarma nito ang papel ng social media at mga ‘dating apps’. Lumalabas kasi sa isang pag-aaral ng United Nations na sa pamamagitan ng mga ‘dating apps’ ay mada­ling makahanap ang kabataan ng mga taong maaari nilang makatalik.

Mahalaga ang papel ng mga paaralan sa pagbibigay ng kaalaman at proteksyon sa kabataan. Hindi sapat na ituro lamang sa kabataan ang mga solusyon. Sa halip, dapat din itong gawing abot-kaya para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *