Sayang ang buhay ni Darwin

Hindi lang isa, dalawa, kundi tatlong beses dumanas ng pang-aabuso si 4CL Darwin Dormitorio sa kanyang mga senior sa loob ng Philippine Military Academy.

sayang ang buhay ni darwin - Sayang ang buhay ni Darwin
Sulat Kay Editor 12 - Sayang ang buhay ni Darwin

Dear Abante:

Hindi lang isa, dalawa, kundi tatlong beses dumanas ng pang-aabuso si 4CL Darwin Dormitorio sa kanyang mga senior sa loob ng Philippine Military Academy. Sayang, sayang ang buhay ng isang kadeteng nais maglingkod sa bayan, kadeteng may posibilidad na magkaroon ng matayog na karera at magandang sariling pamilya.

Paano na lamang kung marami pa pala ang tulad ni Darwin na nakakaranas ng ganitong klaseng pang-aabuso sa aca­demy? Ito rin ang isa sa dahilan kung kaya naman marami sana ang kabataang may potensyal na maging magaling na lider at sundalo ngunit pinanghihinaan ng loob nang dahil sa hazing.

Dapat mas pahigpitin pa ang Anti-Hazing Law na naipasa noong nakaraang taon lamang. Mukhang hindi pa nadadala ang mga kapatiran at maging ang nasa institusyon na patuloy sa pagpapatuloy sa hazing. Datapwat ang hazing ay parte ng pagsubok at pagkilala sa mga miyembro nito, hindi naman makatuwiran ang hazing na umaabot na sa matinding pa­nanakit pisikal at kung minsan pa ay pagkamatay.

Nawa’y doblehin pa ang pagbabantay sa loob ng academy upang maiwasan ang ganitong uri ng pang-aabuso. Kahit sino pa ang maupo sa loob ng naturang academy, hindi ito maiiwasan kung ang mga tao sa ilalim ng namumuno ay may ginagawang sariling polisiya o nagsasariling command.

Jayjay Manto

Caloocan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *