Santo Padre Pio, gabay at kaibigan ng mga mahihirap!

Ginunita ng Simbahan kamakalawa (Setyembre 23) ang Pista ni San Pio ng Pietrelcina. Ipinagdiwang sa Philippine Center for St. Pio sa E. Rodriguez Jr. Avenue, Quezon City ang ‘so­lemn observance’ ng araw ng pagpanaw ng sikat na ‘stigmatist’ at kinikilanang ‘Apostle of the Confessional’.

santo padre pio gabay at kaibigan ng mga mahihirap - Santo Padre Pio, gabay at kaibigan ng mga mahihirap!
Fr. Richard Bolaton Church Werpa - Santo Padre Pio, gabay at kaibigan ng mga mahihirap!

Ginunita ng Simbahan kamakalawa (Setyembre 23) ang Pista ni San Pio ng Pietrelcina. Ipinagdiwang sa Philippine Center for St. Pio sa E. Rodriguez Jr. Avenue, Quezon City ang ‘so­lemn observance’ ng araw ng pagpanaw ng sikat na ‘stigmatist’ at kinikilanang ‘Apostle of the Confessional’.
Dinumog din ng mga deboto na dumalo sa commemorative masses na ginanap sa National Shrine of St. Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas. Bukas na rin sa publiko ang binansagang ‘Mountain of Healing’ kung saan matatagpuan ang 50-foot statue ng santo sa Area C, Brgy. Paradise 3, San Jose Del Monte, Bulacan.
Matatandaan, noong 2018 dumalaw at umikot sa Pilipinas ang ‘di naaag­nas na puso ng milagrosong healer. Sa buong mundo, libo-libo ang nag-alay ng panalangin upang gunitain ang ika-51 death anniversary ng lubos na pinagpipitaganang Italian priest na binansagang ‘gabay at kaibigan ng mga dukha.’
Ipinanganak si Santo Padre Pio noong Mayo 25, 1887 sa Pietrelcina sa arsidiosesis ng Benevento. Ang kanyang mga magulang ay sina Grazio Forgione at Maria Giuseppa de Nunzio. Naordenahan siyang pa­ring Capuchino noong Agosto 10, 1910 ngunit napilitang bumalik sa pamilya dahil sa mahinang kalusugan.
Noong Setyembre 1916, pinabalik siya sa Kumbento ng San Giovanni Rotondo at doon ay isinabuhay niya ang kanyang bokasyon sa pamamagitan ng paggabay sa mga mananampalataya, pagpapakum­pisal at pagmimisa. Ang pagdaraos ng Banal na Eukaristiya ang pinakamataas sa mga gawaing apostoliko ni Padre Pio.
Noong 1918, pagkatapos magmisa, sa harapan ng imahen ni Hesus na nakapako sa krus suminag sa kanya ang tila palasong liwanag at namarkahan siya ng limang sugat ni Hesus sa kanyang mga kamay, paa at tagiliran. Sa sumunod na 50 taon, tiniis niya ang sakit na dulot ng mga sugat nang buong katahimikan.
Itinalaga ni Padre Pio ang kanyang sarili sa pagpapaginhawa sa mga may sakit at sa mga pamilyang naghihirap. Noong 1956, itinatag niya ang isang ospital na pinanagalanang ‘Casa Sollievo della Sofferenza’ o ‘House for the Relief of Suffering’ sa San Giovanni Rotondo malapit sa kanilang kumbento.
Pumanaw si Padre Pio matapos ipagdiwang ang kanyang huling misa noong Setyembre 23, 1968 sa gulang na 81. Dinagsa ang San Giovanni Rotondo ng mga deboto na dumalo sa kanyang libing. Sa kasaysayan, si St. Padre Pio ang kauna-unaahang ‘stigmatized priest’. Sa kasalukuyan tinatayang nasa 400 libo na ang miyembro ng kanyang sinimulang prayer group.
Santo Padre Pio, ipanalangin mo kami!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *