Sandaang taon ni Tato

Nito lamang nakaraang 10 Marso, ipinagdiwang ang ika-100 taong kaarawan ni Renato Constantino.

The post Sandaang taon ni Tato appeared first on Abante News Online.

sandaang taon ni tato - Sandaang taon ni Tato
Abante Xiao Chua Xiao Time - Sandaang taon ni Tato

Nito lamang nakaraang 10 Marso, ipinagdiwang ang ika-100 taong kaarawan ni Renato Constantino. Kilala ng marami si Sir Tato bilang historyador na nagsulat ng teksbuk na ginamit ng mga tito at tita natin noong kolehiyo, ang “A Past Revisited” (Kung natsismis noon na ang totoong sumulat ng mga aklat na ito ay ang kanyang editor na ex-gf niya na si Mrs. Letizia Constantino, ito ay dahil in her own right, maga­ling talaga si madam at ginawa na ngang co-author sa ikalawang aklat na “A Continuing Past”). Kumpara sa ibang mga teksbuk noon na puro datos at nagawa lamang ng mga lider ang ginagamit sa paglalahad ng kasaysayan dahil ayaw nila na maging bias o, talagang ipinakita ni Constantino na siya ay historyaor na may pagkiling sa mga karaniwang tao, sa pananaw ng mga lumaban para sa kalayaan. Kailangan daw maging “usable past” ang kasaysayan, maging balon ng aral upang magamit sa pagpanday ng mas maginhawang bukas para sa mga inaapi.

Noong 2010-2011, nagturo ako sa De La Salle University ng Great Works at ang napili kong ituro ay ang mga sanaysay ni bilang manunulat bago naging histroyador. Sa isang sanaysay, “The Miseducation of the Filipino” ipinakita niya na ang edukasyong ko­lonyal ang dahilan bakit nag-aral nga tayo pero ‘di naman tayo natuto, lalo na tumindig sa sari­ling paa at magkaroon ng sariling pagkakailanlan.

Ayoko namang sabi­hing hindi nagtagumpay si Constantino sa laban na ipunla sa tao na labanan ang kolon­yal na mentalidad. Sa katuna­yan, kahit mga nangibang bayan na kakikitaan na ng galit sa maka-dayuhang pananaw sa kasaysayan.

Subalit ngayon, ang kolonyal na kaisipan ay nag-morph upang ma­ging isa pang mas teribleng salot sa lipunan: Elitismo. Hindi lahat ng elit ay elitista pero ang edukasyon pa nga ang nakatulong sa iba na ihiwalay ang kanilang sarili sa kapwa nila nasa bayan. Ito ang numero unong problema ngayon sa sanhi na tawaging bobo ang bayan dahil lang di ka sumasang-ayon sa pananaw nila. Elitismo ang sanhi na ang isang pulitiko ay isipin siya lang ang solusyon sa problema ng bayan kaya kakapit na sa puwesto. Elitismo ang dahilan kung bakit patatahimikin mo yaong mga hindi umaayon sa solusyon na nais mo. Elitismo na sinalamin na sa sarkastiko ngunit seryosong sanaysay ni Renato Constantino noong 1959 ukol sa epekto sa Pilipinas ng kolonyalismo, “The Filipinos in the Philippines”: “The typical Filipino is ambitious. The male aspires to be a junior exe­cutive in alarge American firm and later to head a subsidiary of some big American corporation. A few become politicians and seek any of the established parties… The female, both married and unmarried, aspires to be a fashion model or a cover girl.” Tingnan ninyo na lang ang mga Instagram feed ninyo.

Kung gayon mabuhay pa ang diwa mo Tato hanggang isandaang taon pa!

The post Sandaang taon ni Tato appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *