Sana wala nang masawi dahil sa reckless driving sa 2020

Nais ko sanang talakayin ang dobleng pag-iingat laban sa paputok dahil sa taon-taon ay hindi naman maiiwasan na may madala sa ospital para magpagamot ngunit tila mas lumala ang problema natin laban sa reckless driving.

sana wala nang masawi dahil sa reckless driving sa 2020 - Sana wala nang masawi dahil sa reckless driving sa 2020
Strike Revilla Strike Sa Trabaho 13 - Sana wala nang masawi dahil sa reckless driving sa 2020

Nais ko sanang talakayin ang dobleng pag-iingat laban sa paputok dahil sa taon-taon ay hindi naman maiiwasan na may madala sa ospital para magpagamot ngunit tila mas lumala ang problema natin laban sa reckless driving.

Hindi ko sinasabing huwag mag-ingat laban sa paputok ang sinasabi ko hayaan na natin ang Department Of Health (DOH) para sa kampanya na dapat mag-ingat sa mga nakakaputol-kamay na paputok , lalo na ang mga bata.

Nito kasing nagdaang taon, napakaraming vehicular accident ang naganap at napakarami rin ng naitalang nasawi at ang pinakahuli ay umabot ng labing anim ang binawian ng buhay sa loob lamang ng isang araw, sa mga aksidenteng naganap sa iba’t ibang lugar.

Kung tutuusin halos sunod-sunod din ang naranasan nating lindol sa Mindanao ngunit hindi umabot ng ganyan karami ang namatay samantalang abala ang marami para sa pagsasagawa ng earthquake drill.

May pakakataon din na halos lahat ng media ay nagkaisang bakbakan ang paggamit ng vape hanggang sa mapikon na si Pangulong Duterte at maubliga na itong ipagbawal kahit wala pa naman naitatalang namatay sa bansa kahit isa.

Pero paulit-ulit nating kinakalimutan na dapat nating tutukan ang sitwasyon ng ating mga tsuper sa bansa na karaniwang katuwiran kapag nasangkot na sa aksidente ay ‘nawalan ng preno’.

Marahil sa pagpasok ng taong 2020 ay kailangang tutukan ng Land Transportation Office (LTO) ang paghihigpit sa pagbibigay ng lisensiya at huwag na nating balikan ‘yung lumang sistema ng palakasan sytem.

Sana wala…

Ang problema kasi sa ilang tanggapan ng LTO , naglalakihan ang nakapaskil na ‘BAWAL ANG FIXER’ pero sandamakmak ang mga fixer at halos kilala naman ang mga ito ng mga empleyado dahil nagkakaroon din sila sa mga ito.

Kung hindi ito seryosong matitigil ay maraming tsuper ang walang karapatang magmaneho dahil hindi sila totoong pumasa sa eksaminasyon at drive testing na isinasagawa ng LTO bago magbigay ng lisensiya.

Meron namang insidente na bibigyan ng non-professional license ang isang kumukuha tapos magmamaneho ng anim na buwan ng motorsiklo o tricycle pagkatapos kukuha ng professional license bibigyan na.

At kapag may professional license na ay magmamaneho na ng kung anu-anong sasakyan at ang resulta– aksidente dahil sa hindi naiintindihan kung ano ang kanilang restriction bilang driver.

Kahit ang mga driving school ay dapat na binabanatayan dahil may ilan sa mga ito na kapag-nag-enroll ka ng driving ay aalukin ka na rin nila ng libreng lakad ng drivers license.

Hindi man nila aminin pero marami akong kakilala na kaya nagkaroon ng lisensiya dahil sa driving school na kanilang pinanggalingan dahil ‘yung mismong instructor ay may koneksiyon sa LTO.

Puwede ring isailalim sa panibagong seminar ang mga tsuper na palaging nasasangkot sa aksidente at exempted na lang ‘yung mga tsuper na hindi nasasangkot sa aksidente sa loob ng sampung taon.

Baka kasi sa ganitong paraan ay ma-refresh ang isip ng ating mga tsuper partikular ‘yung mga nagmamaneho ng naglalakihang truck na dapat ay maging responsable sila, kung nasa kondisyon ang minamaneho nila o wala. Hindi ‘yung sakay lang sila nang sakay!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *