San Pedro Calungsod, Patron ng Kabataang Pilipino

Sabay na ginunita kahapon ng Iglesya ang Pista nina San Pedro Calungsod ang ‘Patron ng Kabataang Pilipino’ at kanyang kasamang martir, Beato Padre Diego Luis de San Vitores. Magkasamang itinaas sa altar ang dalawang mis­yonero noong Marso 5, 2000 ni Pope Saint John Paul II bagama’t naunang itanghal si Calungsod bilang ganap na santo noong 2012.

The post San Pedro Calungsod, Patron ng Kabataang Pilipino appeared first on Abante News Online.

san pedro calungsod patron ng kabataang pilipino - San Pedro Calungsod, Patron ng Kabataang Pilipino
Abante Fr. Richard Bolaton Church Werpa - San Pedro Calungsod, Patron ng Kabataang Pilipino

Sabay na ginunita kahapon ng Iglesya ang Pista nina San Pedro Calungsod ang ‘Patron ng Kabataang Pilipino’ at kanyang kasamang martir, Beato Padre Diego Luis de San Vitores. Magkasamang itinaas sa altar ang dalawang mis­yonero noong Marso 5, 2000 ni Pope Saint John Paul II bagama’t naunang itanghal si Calungsod bilang ganap na santo noong 2012.

Ipinaganak sa Kabisayaan si San Pedro noong 1654. Sa gulang na labing-apat isa siya sa mga batang katekista na sumama sa mga pa­ring Heswita patungong Guam noong 1668. Hindi naging madali ang misyon ng grupo sa mga Chamorro ngunit pinagpala ang kanilang legasyon ng maraming converts sa pananampalatayang Katoliko.

May isang Tsinong exile sa isla noon na ang pangalan ay Choco. Dahil sa inggit sa mga misyonero, ipinagkalat niya sa mga katutubo na nakalalason ang tubig na ginagamit ng mga Kristiyano sa pagbibinyag at sanhi ito umano ng kamatayan ng maraming sanggol sa isla. Pinaniwalaan ang tsismis na ito ng ilan at naging mitsa ng persekusyon sa mga misyonero.

Sa galit ng pinuno ng isang tribu na nag­ngangalang Matapang nang malaman na ang kanyang anak ay bininyagan ni Padre Luis San Vitores sa kanyang pagliban, niloob nitong patayin ang pari at kanyang sakristan. Tinugis ni Matapang ang grupo at pinaulanan ng sibat. Unang nahuli si Pedro at agad niya itong tinaga ng itak sa ulo.

Habang naghihingalo si Pedro, binigyan siya agad ng absolusyon ng pari bago siya naman ang isinunod ng nag-aapoy sa galit na hepe. Kinuha ni Matapang ang krusipiho ni Padre Diego at pinagdudurog ng bato habang galit na galit na nagmumura. Sunod, pinagtataga niya sa ulo ang pari, tinalian ng bato sa leeg at itinapon sa dagat ang dalawa.

Saad ng Simbahan, ang martiryo ni San Pedro Calungsod at Beato Diego Luis de San Vitores ay naganap ‘In Odium Fidei’ o sa matinding pagkamuhi sa pananampalata­yang Katoliko ­‑ bagay na muling nangyayari sa panahon ngayon sa mga bansa sa Silangan. Noong 2011, nagsimula ang petisyon na gawing santo si Calungsod at dahil sa mga milagro nito sa mga sumunod na taon ipinagkaloob ng Santo Papa ang kahilingan.

Noong Great Jubilee 2000, idineklara ni PJPII: “From his childhood, Pedro Calungsod declared himself unwaveringly for Christ and responded gene­rously to his call. Young people today can draw encouragement and strength from the e­xample of Pedro, whose love of Jesus inspired him to devote his teenage years to the teaching of the faith.”

Iniwan ani Saint John Paul II ni Pedro ang lahat, i.e. pamilya at kaibigan upang makiisa sa misyon ng Simbahan. Lubos na ginampanan ng batang katekista lahat ng iniatang sa kanya at matapang na hinarap ang mga kahirapan. Sa bingit ng panganib at kamatayan, hindi iniwan ni Pedro si Padre Diego hanggang makamit nito ang korona ng isang martir, giit ng Papa.

Nawa manatiling inspirasyon ng kabataan sa buong daigdig ang buhay at ehemplo ni San Pedro Calungsod, ang tapat na ‘sundalo ni Kristo’ ani St. John Paul II. Nawa sa langit patuloy niyang ipanalangin ang ating minamahal na bansang Pilipinas, mga OFW at gabayan ang kabataang Pilipino ngayon tungo sa tamang pagpapahalaga sa mga bagay-bagay lalo sa pananampalataya.

San Pedro Calungsod, Ipinalangin Mo kami!

The post San Pedro Calungsod, Patron ng Kabataang Pilipino appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *