San Antonio de Padua, ‘milagroso’ numero uno!

Bukas, Hunyo 13 ang Pista ng binansagang “ready helper in time of need” ng Simbahang Katolika, San Antonio de Padua. Kinikilala ang sikat na Pransiskano bilang “outstanding preacher” dahil sa Kanyang husay sa pangangaral at malawak na kaalaman sa Bibliya. Sa katunayan, tinawag siyang “Ark of the New Testament” ni Papa Gregorio IX nang parangalan niya ang tanyag na monghe bilang ganap na santo isang taon lamang maka­lipas itong pumanaw.

The post San Antonio de Padua, ‘milagroso’ numero uno! appeared first on Abante News Online.

san antonio de padua milagroso numero uno - San Antonio de Padua, ‘milagroso’ numero uno!
Abante Fr. Richard Bolaton Church Werpa 1 - San Antonio de Padua, ‘milagroso’ numero uno!

Fr. Richard Bolaton, STL

Bukas, Hunyo 13 ang Pista ng binansagang “ready helper in time of need” ng Simbahang Katolika, San Antonio de Padua. Kinikilala ang sikat na Pransiskano bilang “outstanding preacher” dahil sa Kanyang husay sa pangangaral at malawak na kaalaman sa Bibliya. Sa katunayan, tinawag siyang “Ark of the New Testament” ni Papa Gregorio IX nang parangalan niya ang tanyag na monghe bilang ganap na santo isang taon lamang maka­lipas itong pumanaw.

‘Phonemenal’ ayon sa Guiness Book of World Records ang buhay ni San Antonio de Padua na may hawak sa rekord na pinakabilis na iproklamang pintakasi ng Simbahan. “Wonder Worker” ang bansag ng nasabing limbag na babasahin sa santo. Ayon pa sa Guiness, si San Antonio ang may pinakamara­ming himala kahit noong nabubuhay pa. Mula pagkabata marami nang narinig na mga kuwento tungkol sa kanyang kapangyarihan at mga milagro!

Hanggang ngayon, pinag-aagawan pa rin ng Spain at Portugal ang “Evangelical Doctor” ng Simbahan. Pinanganak kasi si San Antonio sa Lisbon, Portugal at nabinyagan sa nasabing lungsod kung saan sinimulan nito ang ‘formation’ sa giya ng mga Augustinian at doon rin ‘di kalaunan naordenahang pari.

Gayunman, nabighani ang batang Agustino na lumipat sa mga Pransiskano sa hangad na ialay ang buhay bilang Fransican Missionary at maging ‘martyr’.

Sa biyahe patungong Morocco nagkaroon si Padre Antonio ng malaria kaya’t pinayuhan siyang bumalik sa Portugal. Dahil sa bagyo at matinding mga alon, napilitang dumaong ang sinakasyan nitong barko sa Messina, Sicily kung saan inalagaan siya ng mga kapwa monghe hanggang sa umigi ang pakiradam. Nadiskubre ang Kanyang galing noong 1221 sa Gene­ral Assembly ng mga Pransiskano. Inatasan siya ni San Franciso mismo na mangaral sa Hilagang Italya.

Sa Padua, Italy lubos na sumikat si San Antonio bilang propesor dahil sa kanyang husay sa pagtuturo sa mga estudyante, pangangaral ng Ebanghelyo, higit sa lahat dahil sa kanyang kabanalan na kadalasa’y namamalas sa mga milagro. Nagkaroon ng malalim na pagkakaibigan sa pagitan nina San Antonio at Kanyang superiyor na si San Francisco.

Sa katunayan, tinawag siya ng Pundador bilang kanyang “obispo”! ­Taong 1946 nang ideklarang ‘Doctor of the Church’ is San Antonio de Padua ni Papa Pio XII dahil sa kontribusyon nito sa Teolohiya. Sa kasalukuyan tangan ni San Antonio ang titulo bilang ‘Patron ng mga Naapi’ at kinikilala bilang lubos na makapangyarihan sa mga nawawalang bagay.

The post San Antonio de Padua, ‘milagroso’ numero uno! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *