Sama-samang Pagpapalakas at Pagpapagaling sa Panahon ng COVID-19

Kalahating taon na ngayon mula nang unang dumating sa bansa ang coronavirus, na nakakagambala sa ating paraan ng pamumuhay.

The post Sama-samang Pagpapalakas at Pagpapagaling sa Panahon ng COVID-19 first appeared on Abante.

sama samang pagpapalakas at pagpapagaling sa panahon ng covid 19 - Sama-samang Pagpapalakas at Pagpapagaling sa Panahon ng COVID-19
Harry Roque Ok ka Harry 1 1 5 - Sama-samang Pagpapalakas at Pagpapagaling sa Panahon ng COVID-19

Kalahating taon na ngayon mula nang unang dumating sa bansa ang coronavirus, na nakakagambala sa ating paraan ng pamumuhay.

Maraming mamamayan na ang nahawahan at marami na ang namatay. Naging mahirap ang anim na buwan para sa ating lahat habang pinagsisikapan nating balansehin ang pangangailangan na maprotektahan ang kalusugan at buhay habang pinoprotektahan din natin ang ating ekonomiya tulad ng ibang bansa sa buong mundo.

Bago at walang katulad ang COVID-19 ngunit marami na rin tayong natutunan ukol sa mahusay na paraan ng pagkilos at pagtugon sa mga sitwasyong bunga ng COVID-19. At habang ang bilang ng mga kaso ay patuloy na tumataas, tinitiyak ng pamahalaan na ang mga patakaran at protocol ay angkop upang tugunan ang epekto ng virus.

Hindi katulad sa mga unang buwan ng krisis sa kalusugan na ito, mas tiwala na tayo ngayon sa paglaban sa COVID-19. Ang ating mga doktor at iba pang mga health workers ay mayroon nang higit na kakayahang gamutin mga pasyente, kung kaya’t mas marami ngayon ang gumagaling.

Ang ating mga estratehiya ay patuloy na sumasailalim sa mga pagbabago habang pinapalakas natin ang mga patakaran para masolusyunan ang kasalukuyang epidemya. Sa ikalawang yugto ng National Action Plan laban sa COVID-19, isang malaking bahagi ng responsibilidad ang napupunta ngayon sa mga local government units (LGUs), na ngayon ay may kapangyarihan, bukod sa iba pa, upang magpataw ng localized at granular lockdowns sa mga lugar na may mas mataas na bilang ng nahahawa sa virus.

Ang pamahalaan at LGUs ay nagtutulungan sa pagpapatupad ng pinatindi na mga estratehiya upang labanan ang COVID-19 kasama na ang paghahanap ng mga taong positive ang resulta sa swab test na ginagawa ng CODE Teams o ang Coordinated Efforts to Defeat Epidemic.

Ang ating testing capacity ay tumaas na ngayon. Umabot na sa dalawang milyon ang natest para sa COVID-19. Isa ito sa pinakamataas sa buong Asia. Ang tumaas na bilang ng mga taong nasubok ay maaaring bahagyang maiugnay sa intensified contact tracing na halos 14,000 na sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng intensified tracing at testing, napahusay din ng gobyerno ang isolation capacity dahil sa ginawang pagdadagdag ng isolation facilities. Higit na nakatulong ang ginawang hospital expansion na nagpadami ng mga kama para sa mga pasyente tulad ng 250-bed COVID-19-dedicated facility sa East Avenue Medical Center. Ang mga pop-up modular hospitals ay itinatayo din para mapahusay local health systems capacity.

Ayon sa tuntunin sa paggamot, bumuti ang referral ng pasyente sa mga ospital sa tulong ng paglulunsad ng One Hospital Command Center. Kabalikat ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, nakakapag-stock tayo ng epektibong gamot at supply habang sinusuportahan din natin ang mga pananaliksik at clinical trials para sa posibleng gamot ng COVID-19.

Kinikilala din ng pamahalaan ang suporta at pakikipagtulungan ng pribadong sektor lalo na ang pagbibigay nila ng tulong sa mga apektadong pamilya, indibidwal, at maliliit na negosyo. Nagpapasalamat din ang pamahalaan sa tulong ng pribadong sektor sa pagpapalakas ng health systems capacity tulad ng testing at pagpapatayo ng temporary isolation at quarantine facilities.

Ngayon na ang community quarantine classifications ay ibinaba na sa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ, ang pamahalaan ay mas deteminado sa ikontrol ang pagkalat ng virus sa mga komunidad, lugar ng trabaho, at pampublikong lugar. Ito ang dahilan kung bakit kami sa gobyerno ay muling nananawagan sa lahat na makipagtulungan at makiisa sa amin sa paglaban sa COVID-19.

Ang pagsugpo sa COVID-19 ay hindi maaaring gawin ng gobyerno lamang. Muli, gusto kong bigyang diin na kailangan ng pamahalaan ang kooperasyon ng lahat. Isa sa ating mga local chief executive ang nanawagan kamakailan-lamang habang dumadalo sa isa sa aking mga press briefings na huwag sanang iasa ang lahat sa gobyerno.

Ang bawat isa sa atin ay may papel na ginagampanan upang talunin ang kaaway, na maaari nating isakatuparan sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards gaya ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask / face shield, at physical/social distancing. Bukod sa mga ito, kailangan nating sundin ang mga protocol ng gobyerno tulad ng pananatili sa bahay ng mga mahihina ang resistensya, ang pagsunod sa mga alituntunin sa lugar ng trabaho para sa mga nasa workforce at sa mga frontlines, at ang pagsunod sa mga inirekomendang protocol kapag nasa mga pampublikong lugar.

Habang patuloy na pinapalakas ng gobyerno ang pag-iwas, pagtuklas, paghihiwalay, paggamot, at paggaling ng mga taong nahawa ng virus, ang pagtatagumpay ay nakasalalay sa pagtutulungan nating lahat. Tandaan natin na hindi ang gobyerno ang kalaban natin kundi ang COVID-19. Magkaisa tayo sa pagsugpo ng kaaway nating ito.

The post Sama-samang Pagpapalakas at Pagpapagaling sa Panahon ng COVID-19 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *