Sama-sama tayong babangon sa Bicol

Napakalawak ng pinsalang dulot ng magkasunod na bagyong Quinta at Rolly sa Bicol Region. Dahil dito, hindi tumitigil ang inyong lingkod sa pag-iikot sa Albay at Catanduanes upang kumustahin at bigyan ng ayuda ang ating mga kababayang Bicolano.

The post Sama-sama tayong babangon sa Bicol first appeared on Abante.

sama sama tayong babangon sa bicol - Sama-sama tayong babangon sa Bicol
EDITORIAL LOGO BICOLANO AKO ZALDY CO - Sama-sama tayong babangon sa Bicol

Napakalawak ng pinsalang dulot ng magkasunod na bagyong Quinta at Rolly sa Bicol Region. Dahil dito, hindi tumitigil ang inyong lingkod sa pag-iikot sa Albay at Catanduanes upang kumustahin at bigyan ng ayuda ang ating mga kababayang Bicolano.

Isa ang Marcial O. Ranola Memorial School sa Guinobatan, Albay sa mga lugar na aking binisita. Halos 300 pamilya ang pansamantalang nakikisilong sa paaralan matapos matabunan ng lahar ang kanilang mga bahay.

Makadurog-puso ang kuwento ng mga residente ng barangay San Francisco. Maraming bahay umano ang inanod ng lahar at naglalakihang bato sa kasagsagan ng pananalasa ni super typhoon Rolly. Ayon kay Mary Rose Periña, tinangay ng baha ang kanilang bahay kasama ang kanyang ina at kapatid na lalaki. Mapalad sila dahil nakaligtas sa kabila ng malakas na agos. Upang makatulong sa kanyang pag-aaral, binigyan natin ng laptop si Mary Rose na ngayon ay third year philosophy student.

Binigyan din natin ng laptop ang grade 10 student na si Maria Luisa Manrique, na ang ina ay ‘di pa natatagpuan matapos tangayin ng lahar. Ang bunsong kapatid naman niya ay kalilibing lang matapos ding anurin ng baha sa kasagsagan ng bagyo.

Bibigyan ng scholarship ng Ako Bicol party list at Sunwest Care Foundation Inc. si Luisa. Tutulungan din natin na mabigyan ng kabuhayan ang kanyang pamilya.

Walang puknat ang pamimigay natin ng bigas, damit at food packs sa mga biktima ng bagyo. Sinuyod natin ang walong barangay sa bayan ng Daraga at San Miguel island sa Tabaco City para mamahagi ng relief goods.

Tinawid din ng inyong lingkod ang isla ng Catanduanes dahil ito ang unang binayo ng malakas na ulan at hanging dala ni typhoon Rolly. Sa pamamagitan ng helicopter, ating napag-alaman ang lawak at tindi ng pinsala sa mga bahay, imprastraktura at mga pananim. Pinakaunang nagpadala ang Ako Bicol ng pagkain, gasolina at mga heavy equipment tulad ng graders at bulldozers upang mapabilis ang road clearing operations. Kailangan kasing muling mabuksan ang mga lansangan upang makarating ang relief goods at iba pang ayuda sa mga nangangailangan ng tulong.

Nagpadala din ng AKB ng water finder at drilling machine upang mabigyan ng tubig ang mahigit isang daang kabahayan sa San Isidro Village sa Virac. Nasira kasi ang pinagkukunan nila ng malinis na tubig.

Nakipagpulong din ang Ako Bicol party-list sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan upang mailatag ang plano para sa rehabilitasyon at pagbangon ng Catanduanes. Patuloy din ang pakikipag ugnayan ng AKB sa DSWD at DOLE para naman sa financial assistance sa mga nawalan at nasiraan ng bahay. Humihingi tayo sa mga naturang ahensya ng limang libong piso para ilaan sa mga totally damaged ang bahay at tatlong libong piso naman sa partially damaged.

Maraming dapat pasalamatan ng AKB dahil sa napakalaking tulong tulad ng mga gamot at pagkain na naging bahagi ng aming relief efforts. Kasama dito ang Department of Health sa donasyon nilang gamot tulad ng paracetamol at antibiotics. Katuwang din natin ang Sunwest Care Foundation Inc. at Aksyon Co Center na nangakong magbibigay ng livelihood assistance sa mga residente ng Albay na nawalan ng hanapbuhay. Maraming salamat din kay Ms. Susan “Toots” Ople at Clads Association sa donasyong 50 sako ng bigas, kahun-kahong de-latang pagkain, mga trapal at damit.

Taos puso ring nagpapasalamat ang AKB kay Senador Sonny Angara sa donasyon niyang relief goods na pakikinabangan ng higit 10,000 pamilyang nasalanta ng bagyo sa rehiyon. Syempre pa, hindi rin natin malilimutan ang tulong mula sa pribadong sector tulad ng SM Foundation, PMFTC at iba pang mga katuwang natin sa malawakang relief mission na ito.

Nakakataba ng puso ang pagbuhos ng tulong para sa muling pagbangon ng Bicol Region. Sama-sama po nating malalampasan ang mga pagsubok na ito sa awa ng Maykapal. Dios Mabalos po!

The post Sama-sama tayong babangon sa Bicol first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *