Sama-sama nating labanan ang dengue

Kamakailan ay idineklara ni Health Secretary Francisco Duque III na may national dengue epidemic sa buong bansa dahil sa napakara­ming kaso ng sakit na ito kung saan 622 na ang namamatay mula Enero hanggang Hulyo ng 2019 pa lamang.

sama sama nating labanan ang dengue - Sama-sama nating labanan ang dengue
Abante Risa Hontiveros Usapang Kalusugan at Kababaihan 1 - Sama-sama nating labanan ang dengue

Kamakailan ay idineklara ni Health Secretary Francisco Duque III na may national dengue epidemic sa buong bansa dahil sa napakara­ming kaso ng sakit na ito kung saan 622 na ang namamatay mula Enero hanggang Hulyo ng 2019 pa lamang.

Ayon sa Department of Health (DOH), 146,062 na kaso ng dengue ang naitala nga­yong kalahating taon ng 2019. Ito ay 98 porsyento na mas mataas kum­para sa mga naitalang kaso noong 2018. Labis itong nakakabahala at dama ko ang pag-aalala ng mga nanay para sa kanilang mga anak.

Ang pinakamaraming natamaan ng sakit na dengue ay ang Western Visayas kung saan mahigit 23,000 ang naiulat na kaso nito. Ang Calabarzon ang pumapangalawa sa 16,515 na kaso, sinundan ng Zamboanga Peninsula na mayroong 12,317 na mga kaso, Northern Mindanao na may 11,455 at ang Soccskargen na may 11,083.

Ang nakaambang peligro para sa ating pamilya ay totoo at ito ay nagdudumilat na sa ating harapan. Hindi natin maipagkakaila ang bigat ng epidem­yang nito. Kailangang lahat tayo ay tulong-tulong upang malabanan ang problemang pang­kalusugan na ito na isang malaking banta sa pamilyang Pilipino.

Katulad nang nagdaang problema natin sa tigdas nitong mga nakalipas na buwan lamang, tayo ay patuloy na nagtitiwala sa kakayahan ng DOH at ang mga health professionals natin kasama na ang mga local government units (LGUs) upang malutas ang problemang ito sa ating lipunan.

Dahil sa bigat ng sitwasyon natin nga­yon sa pampublikong pangkalusugan, ako ay nanawagan sa ating gobyerno na magpatupad ng lahat ng posibleng istratehiya at paraan upang maprotektahan ang ating mga kababayan mula sa public health emergency na ito. Kahit na ang mga awtoridad ay nagsisikilos upang maagapan ang problemang ito ng dengue sa buong bansa, nanawagan din ako sa buong sambayanan na magtulungan tayo at gawin ang lahat ng na­rarapat upang masugpo ang banta ng dengue sa ating pamilya at komunidad. Hindi biro ang bantang ito dahil marami na ang nagkakasakit at namamatay dahil dito. Marami na sa ating mga mahal sa buhay ang apektado.

Paigtingin natin ang 4S na istratehiya ng DOH: ‘Search and Destory’ kung saan ang buong komunidad ay hinihikayat na maglinis ng kanilang tahanan at kapaligiran at puksain ang lahat ng pinamumugaran ng kinatatakutang dengue na lamok. Gayundin, gawin ang ‘Self Protection Measures’ tulad ng pagsusuot ng pantalon at paglalagay ng mosquito repellent, ‘Seek Early Consultation’ kapag may sintomas na ng sakit, at ang ‘Support Fogging/Spraying’ doon lamang sa mga hotspot areas para maiwasan ang outbreak.

Gayundin, nana­nawagan din ako na tapusin na ang mga pagkakalat ng mga maling balita tungkol sa dengue. Huwag nating hayaan ang pag-promote ng tinatawag na pseudoscience na taliwas sa scientific facts at advice mula sa mga eksperto sa kalusugan. Ang pagpapakalat ng maling impormasyon ay hindi makakatulong bagkus ay makakaapek­to pa sa pagsugpo sa dengue epidemic.

Magtulungan po tayo para sa sama-samang pakikipaglaban kontra dengue.

Magtiwala at makipagtulu­ngan tayo sa ating DOH upang tuluyang matalo ang national dengue emergency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *