Saan galing ang fried chicken mo?

Araw-araw, pare-pareho lang ang balita—nadagdagan ang mga kaso ng tinamaan ng COVID-19, naghihintay pa rin tayo sa tanging pag-asa nating bakuna, at walang anumang pagkukulang sa bayan si Duque.

The post Saan galing ang fried chicken mo? first appeared on Abante.

saan galing ang fried chicken mo - Saan galing ang fried chicken mo?
TALAGA ba 13 - Saan galing ang fried chicken mo?

Araw-araw, pare-pareho lang ang balita—nadagdagan ang mga kaso ng tinamaan ng COVID-19, naghihintay pa rin tayo sa tanging pag-asa nating bakuna, at walang anumang pagkukulang sa bayan si Duque.

Nakakasawa at nakakayamot. Kaya, natuon ang aking pansin sa isyu ng mga manok. Ang manok na kinakain natin ay maaring hindi tubong Pilipinas. Ayon sa mga ulat ng Department of Agriculture (DA), tumataas ang ating pag-angkat dahil sa pagtaas ng pangangailangan sa mga piling parte ng manok mga boneless, at ng buong manok. May panawagan sa gobyerno na pansamantalang ihinto ang pag-angkat ng mga manok. Sinasabi rin ng mga nasa pagmamanukan na sapat na kakayahan sila upang punuan ang pangangailangan ng bayan.

Dalawa ang pinagtatalunan dito. Una, may bakas daw ng COVID-19 ang mga manok galing Brazil. Ang pagpapahinto nito ay nagawa na ng DA. Ang ikalawang isyu at sa aking palagay ay higit na malalim ay kung nararapat ba ang importasyon ng manok.

Kung nagkukulang ang supply ng manok dito, nararapat lang naman na umangkat tayo para punuan ito sa panandalian. Mayroon ding pananaw na ang pagkakaroon ng kompetensiya mula sa ibang bansa ay magdudulot ng pagbaba ng presyo ng manok, na magiging benepisyo naman sa ng mga mamimili.

Madali ring maunawaan ang pananaw ng mga negosyanteng nasa pagmamanukan. Ang shortage ng supply ay sitwasyon na nakakapagpataas ng presyo ng isang bagay. Kaya may mga produkto, kagaya ng langis, na kinokontrol ang produksyon para mapanatili ang isang antas ng presyo. Siyempre, nagkakaroon sila ng kapangyarihan na mag-takda ng presyo. Sa isang banda naman, ang pagkakaroon ng kompetensiya ay nagbabawas ng ganitong kapangyarihan.

Nguni’t, sa pang-matagalan, maaring magdulot din ng kapahamakan ang sistema ng labis na pag-angkat. Ang kompetisyon na idinudulot nito ay nagpapababa ng presyo na maaring sumasakal sa industriya. At kung walang ibang konsiderasyon, ang bawa’t pag-angkat ay pagbawas rin sa maaring naging kabuhayan ng mga negosyante sa sektor ng agrikultura. Hindi lamang ang mga may manukan ang apektado dito kundi ang ibang industriya kagaya ng pakain sa hayop. Ang lahat ng mga ito ay maaring magtulak sa pagkalugi at pagsasara ng mga negosyo sa agrikultura.

Bunsod nito, bukod sa pagkawala ng kabuhayan ng marami, unti-unti ng mawawala ang mga nasa ganitong negosyo at ang mga Pilipino ay lubos na aasa sa pag-angkat. Kapag nangyari ito, babalik tayo sa sitwasyon na may maaring magtakda ng presyo, nguni’t ngayon, ito ang mga dayuhang negosyante kung kanino tayo umaangkat. Bukod pa riyan, ang seguridad ng ating supply ng pagkain ay laging nasa peligro.

Malinaw na matinding pagbabalanse ang kinakailangan. Ang pinaka-magandang hakbang—mag-usap ng masinsinan ang pamahalaan at ng sektor ng agrikultura hinggil sa tamang direksyon.

The post Saan galing ang fried chicken mo? first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *