Sa tubig man o kuryente, kalidad ng serbisyo ang mahalaga

Simula na ng 2nd Quarter ng taon. Sa gitna ng i­ngay ng politika, lalo pa’t pumasok na ang itinakdang panahon para sa kampanya para sa mga umaambisyon sa lokal na pamahalaan, tila pilit minamaniobra ang mga kabutihang nagawa ng administrasyon ng mga nagdaang buwan para sa kapakanan ng karaniwang mamamayan.

The post Sa tubig man o kuryente, kalidad ng serbisyo ang mahalaga appeared first on Abante News Online.

sa tubig man o kuryente kalidad ng serbisyo ang mahalaga - Sa tubig man o kuryente, kalidad ng serbisyo ang mahalaga
KARLO Nograles - Sa tubig man o kuryente, kalidad ng serbisyo ang mahalaga

Simula na ng 2nd Quarter ng taon. Sa gitna ng i­ngay ng politika, lalo pa’t pumasok na ang itinakdang panahon para sa kampanya para sa mga umaambisyon sa lokal na pamahalaan, tila pilit minamaniobra ang mga kabutihang nagawa ng administrasyon ng mga nagdaang buwan para sa kapakanan ng karaniwang mamamayan.

Noong Sabado, mainit tayong tinanggap ng mga taga-Romblon sa ika-27 Annual General Membership Assembly ng Romblon Electric Cooperative sa pa­ngunguna ni Engineer Rene Fajilagutan, at ng kanilang Board of Directors. Ngunit higit pa sa bukas-palad na pagsalubong, ikinatuwa ko ang pagyakap ng mga Romblomañon sa mga inihayag nating programa, polisiya at mga proyektong nakalinya sa ilalim ng pamamahala ng administrasyon. Isinapubliko din natin ang mga mapagtugong panuntunan na ipapalabas sa pa­ngunguna ng Pangulo sa serbisyo ng tubig, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Nagpahayag din tayo ng mga saloobin kaugnay sa mga usaping bumabagabag sa sektor ng pagpapailaw sa mga kanayunan o Rural Electrification, sa pangunguna ng mga Electric Cooperative.

Bagama’t nakasumpong sila ng gusot sa mga opisyal na panuntunan, diniinan natin ang halaga ng maayos na serbisyo sa distrbusyon ng kur­yente at ang relasyon nito sa katatagan ng mga kooperatiba sa pailaw laban sa samu’t-saring hamon — kasama na ang banta ng pagsasakamay-pribado.

Sa ganang akin kasi bilang kinikilalang katuwang ng gobyerno sa pagpapadaloy, hindi lamang ng kuryente kundi ang kaakibat nito na kaunlaran at paglago ng ekonomiya sa mga kanayunan, ang mga electric coo­perative ay hindi dapat isinasawalang-bahala o ipinagkikibit-balikat na lamang ang kanilang kalusugang pinansyal at kalidad ng serbisyo sa kanilang miyembro-konsumante at kamay-ari. Let your performance do the talking, ika nga.

Aabot na sa limang dekada ang pagpapailaw ng kanayunan. Maraming mga electric cooperative ang mahigit tatlumpong taon na ang prangkisa. Bagama’t aminado ang gobyerno sa tulong ng kanilang naipaabot bilang katuwang sa aspetong ito ng nation-building, hindi tumiti­gil ang panga­ngailangan ng mga konsyumer ng elektrisidad sa maayos at matatag na serbisyo. At ang Romelco, kasama ang iba pang electric cooperative sa bansa, ay napapatunayang kaya nilang tugunan ang hamong ito.

Kaya hinihimok ko ang ating mga kasamahang nangangasiwa ng mga kooperatiba sa pailaw na tapatan ang mga pangangailangang ito. Ano mang hamon ang ilatag sa inyong harapan, mapapri­badong sektor man o mula sa mga opisyal na panuntunan, walang gusot ang natutugunan sa pamamagitan ng batuhan ng akusasyon at bangayan.

Walang problemang mas malaki pa sa pagnanais ng bawat panig na mag-usap ng mahinahon sa isang matalinong dayalogo tungo sa paghahanap ng mabisang solusyon. Lahat naman tayo’y iisa ang hangarin: ang maihatid ang epektibong serbisyo sa maayos at murang kaparaanan para sa ating mamamayan.

The post Sa tubig man o kuryente, kalidad ng serbisyo ang mahalaga appeared first on Abante News Online.

1 thought on “Sa tubig man o kuryente, kalidad ng serbisyo ang mahalaga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *