Sa lokal na tayo, tangkilikin ang gawang Pilipino

Ang pagkakalagda sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ay magbibigay lakas sa “buy local” campaign –– isang hakbang na humihimok sa mamimiling Pilipino na tangkilikin ang mga produktong gawa sa bansa upang matulungan ang mga lokal na industriya at itaguyod ang pagbangon ng ekonomiya.

The post Sa lokal na tayo, tangkilikin ang gawang Pilipino first appeared on Abante.

sa lokal na tayo tangkilikin ang gawang pilipino - Sa lokal na tayo, tangkilikin ang gawang Pilipino
Karlo Nograles 4 - Sa lokal na tayo, tangkilikin ang gawang Pilipino

Ang pagkakalagda sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ay magbibigay lakas sa “buy local” campaign –– isang hakbang na humihimok sa mamimiling Pilipino na tangkilikin ang mga produktong gawa sa bansa upang matulungan ang mga lokal na industriya at itaguyod ang pagbangon ng ekonomiya.

Bunsod ng pandemyang dinaranas ng buong mundo, napakahalagang suportahan natin ang mga negosyong Pilipino, partikular ang mga nabibilang sa Micro, Medium and Small Enterprises (MSMEs). Sapagkat sa puntong ito, pinag-uusapan natin kung paano ibabangon ang ating ekonomiya at isa sa mga pinakamahusay na paraan ay ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa Pilipinas.

Nakapaloob sa Bayanihan 2, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-11 ng Setyembre ang mga probisyon na nagpapahalaga sa pagtangkilik sa mga produktong lokal, kabilang na ang mga materyales sa konstruksyon para sa mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno.

Kaya ang panawagan natin sa ating mga kababayan ay suportahan natin ang sariling atin. Bilhin natin ang mga lokal na produkto. Tangkilikin ang gawang Pilipino.

Kaugnay nito, kapag may nalalaman ang sino man tungkol sa pananamantala sa kampanyang ito, idulog lamang po agad sa DTI ang anumang reklamo. Nakalulungkot na may mga gumagawa nito, pero hindi dapat sila makalusot. Bawal ang mislabeling, at may mga batas laban sa ganitong gawain.

Maganda ring sundin ang ilang mungkahi ng mga netizens na ating natanggap gaya ng paglalagay ng wastong label at etiketa sa mga produktong gawa sa Pilipinas, lalo na ang mga produktong pang-agrikultura.

Ang polisiya sa pagmamarka ng mga produktong pansakahan ay masusi naming babalangkasin sa Zero Hunger Task Force dahil makabubuting nalalaman ng mga mamimili kung saan nanggagaling ang mga binibili nilang produkto. Ambag na rin natin ito sa pagpapalago ng mga rehiyon at pagpapataas ng pagtangkilik sa produkto ng mga lalawigan.

Muli, ito ang ating panawagan sa mga mamimili sa grocery at pamilihan: atin pong tangkilikin ang lokal na produkto at gawang Pinoy upang matulungan natin ang pagbangon ng ating mga kababayan mula sa iba’t ibang sektor lalo na ang mga magsasaka.

Sa lokal na tayo, tangkilikin natin ang gawang Pilipino.

KLARO.

The post Sa lokal na tayo, tangkilikin ang gawang Pilipino first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *