Rural employment program dapat isabatas

Batay sa pinakahuling datos, unti-unti nang nakakabangon ang ekonomiya ng Pilipinas matapos ang pagkakadapa dahil sa COVID-19 pandemic.

The post Rural employment program dapat isabatas first appeared on Abante.

rural employment program dapat isabatas - Rural employment program dapat isabatas
EDITORIAL LOGO BICOLANO AKO ZALDY CO 3 - Rural employment program dapat isabatas

Batay sa pinakahuling datos, unti-unti nang nakakabangon ang ekonomiya ng Pilipinas matapos ang pagkakadapa dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong Disyembre 3, 2020, bumaba sa 8.7 percent ang unemployment rate sa bansa noong Oktubre, o katumbas ng 3.8 milyong Pinoy.

Mababa ito kumpara sa inulat na 10 porsyento noong second quarter ng 2020 at sa all-time high na 17.6 percent noong Abril kung kailan pinatupad ang mahigpit na enhanced community quarantine kung saan maraming establisiyimento ang inobligang magsara para maiwasan ang hawaan sa COVID-19.

Kahit na bumaba ang unemployment rate sa bansa, nakalulungkot naman na marami pa ring Pinoy, lalo na sa kanayunan ang walang hanapbuhay.

May COVID man o wala, patuloy pong isinusulong ng inyong lingkod ang pagsasabatas ng Rural Employment Assistance Program upang mabigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga head of family o kaya’y single adult na miyembro ng maralitang pamilya sa bansa. Katuwang kong nagsusulong sa panukalang ito si Congressman Alfredo Garbin Jr. na kasamahan ko sa Ako Bicol Party-list.

Subok nang epektibo ang ganitong sistema dahil sa India, marami ang nakikinabang sa kanilang National Employment Guarantee Act of 2005. Sa ilalim ng kanilang batas, ang bawat adult member ng household na boluntaryong sumasabak sa unskilled manual work ay ginagarantiyahan ng trabaho na hindi bababa ng 100 araw kada taon. Kung hindi sila mabibigyan ng trabaho, awtomatiko silang makakatanggap ng arawang allowance.

Ang kaibahan ng aming panukala sa umiiral na batas sa India, temporary employment ang ipagkakaloob sa head of family, kahalintulad ng Cash for Work Program na pinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Malaking bagay ang pagbibigay ng trabaho sa mga nakatira sa kanayunan, lalo na kapag binagyo ang lugar tulad ng nangyari sa Bicol Region na hinambalos ng super typhoon Rolly at kasunod na bagyong Ulysses nitong Nobyembre.

Mabuti na lang po at mayroong Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ang AKB at ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaya’t nabigyan natin ng trabaho ang mga kababayan nating binagyo.

Labis po akong nagpapasalamat sa DOLE-Region 5 sa pangunguna ni Regional Director Joel Gonzales sa patuloy na pagtulong sa mga kababayan natin na naapektuhan ng magkakasunod na bagyo. Kamakailan po ay nagkaroon ng payout sa mga residente ng 27 barangay ng Legazpi City, bahagi ng TUPAD program.

Saksi po ako sa ngiti ng ating mga kababayang naabutan ng pinansyal na ayuda. Dios an magbalos sa gabos po na tabang! Maligayang Pasko din po sa inyong lahat.

The post Rural employment program dapat isabatas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *