Respeto sa mga PWD

May sariling slots para sa may kapansanan o persons with disabilities sa mga parkingan sa iba’t ibang establisimyento.
The post Respeto sa mga PWD appeared first on Abante News Online.


May sariling slots para sa may kapansanan o persons with disabilities sa mga parkingan sa iba’t ibang establisimyento.
Ang mga ito ay inilalagay para sa pagsunod sa batas na nakapaloob sa Magna Carta ng mga taong may kapansanan. Ngunit nakapagtatakang parang balewala ito sa ibang tao.
Ako mismo ay nakasaksi sa paggamit ng wala namang diperensya sa kanilang katawan sa mga parking slot para sa mga PWDs.
May ilan din akong nakausap na nangyayari sa kanila ang ganitong insidente na minsan ay nagkakaroon ng problema sa mga parking slots para sa kanila lalo na tuwing holiday season.
Wala silang mahanap na parking slot at nabanggit pa nila na ang pinakamasakit nilang nasasaksihan ay ang pumaparada ay wala namang problema sa kanyang katawan.
Ang tahasang paglabag dito ay ‘di lamang ang pagsuway sa batas kundi maituturing na ring isang ugaling ‘di maganda ng isang tao na ‘di susunod dito.
Nakalagay sa batas ang isang barrier-free environment para sa kanila na ang ibig sabihin ay malayang paggalaw ng isang tao na may kapansanan sa publiko o pribado mang establisimyento na mababasa sa BP 344 o Accessibility Law.
Sana ay matuldukan ang ganitong gawi. Matuto naman sana ang iba na unawain ang kalagayan ng mga taong may kapansanan.
Isa pang ating napansin tuwing manonood tayo ng sine ay ang kawalan ng rampa ng mga movie houses para sa pagpili ng mauupuan sana nila na hindi naman ganoon kalapit sa screen.
Sana ay maisip naman ang kalagayan ng ating mga kababayang PWDs sa ganitong sitwasyon.
Papaano nila mae-enjoy ang palabas o panonood ng sine kung hindi maayos ang kanilang lagay.
Wala na ngang rampa ay ang lapit pa ng screen kaya sakit ng ulo imbes na mag-enjoy ang isang moviegoer nating kababayang PWD.
Bigyan sana sila ng espasyo na maaaring makaakyat at mailagay ang wheelchair.
Gawin sana at irespeto ng mga normal na tao nasa gobyerno man o wala.
Higit sa lahat ay iwasan nating gumamit ng mga bagay na nakalaan para sa mga PWD tungo sa kanilang mas malayang paggalaw.
The post Respeto sa mga PWD appeared first on Abante News Online.
Like it
Mission accomplished. It’s classic!!
I think I’m crying. It’s that excellent.
Can’t wait to watch next video.