Reklamo sa online pautang

May concern lang po ako kasi po nag-loan ako sa pondo peso ng P15,600.

reklamo sa online pautang - Reklamo sa online pautang
Claire Castro Clear It 8 - Reklamo sa online pautang

Dear Atty. Claire:

May concern lang po ako kasi po nag-loan ako sa pondo peso ng P15,600.

Hindi po ako nakapagbabayad sa kadahila­nang nagkaroon kami ng emergency sa bahay. Kaya ngayon po lahat ng nasa contacts ko pinagtatawagan at pinagte-text po nila.

Nakikipag-usap naman po ako sa kanila nang maayos at sinasabi ko pong babayaran ko sila kahit pakonti-konti para lang mabawasan ‘yung halagang na-loan ko na kada araw po ay may penalty at sa ngayon nga po umabot na ito sa halagang P20,100.

Pero ayaw po nilang pumayag dahil naka-system generated daw po sila.

Ano po kaya magagawa ko para pumayag sila na mai-settle ko ‘yung loan ko kahit sa pagbayad lamang sa maliit na halaga at para hindi na rin po nila ma-text at matawagan ‘yung mga nasa contact list ko?

Salamat po

Gail

Ms. Gail:

Marami ng nagre­reklamo sa online len­ding sa ngayon. Lumalabas na parang isang scheme ang kanilang ginagawang pagpapahiram ng pera at iiskandaluhin nila ang mga hindi nakakabayad on time pati na ang mga kamag-anak nila.

Ginagamit din nila ang mga data o impormasyon na kanilang nalaman mula sa umutang upang ipahiya ito at i-harass pati na ang mga kamag-anak.

Maaaring dumulog sa NBI Cybercrime Division upang madetermina kung sino-sino ba ang mga tao sa likod ng ganitong modus. Maaari mo silang sampahan ng kasong grave coercion, cyberlibel, at ang paglabag sa Data Privacy Act.

Ngunit tandaan na ang utang ay utang na dapat bayaran.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *