Provincial jail, mas mapapabutii ng BJMP

Nakagagalak malaman na buo ang suporta ng karamihan sa mga gobernador ng iba’t-ibang lalawigan sa bansa sa isinusulong nating paglilipat nang pangangasiwa ng mga provincial at sub-provincial jail mula sa provincial governments patungo sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.

The post Provincial jail, mas mapapabutii ng BJMP first appeared on Abante.

provincial jail mas mapapabutii ng bjmp 1024x521 - Provincial jail, mas mapapabutii ng BJMP
bato 6 - Provincial jail, mas mapapabutii ng BJMP

Nakagagalak malaman na buo ang suporta ng karamihan sa mga gobernador ng iba’t-ibang lalawigan sa bansa sa isinusulong nating paglilipat nang pangangasiwa ng mga provincial at sub-provincial jail mula sa provincial governments patungo sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.

Nitong nakalipas na linggo, ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ng inyong lingkod, kasama rin ang Senate Committee on Local Government, ay nagsagawa ng pagdinig upang talakayin ang iba’t-ibang panukalang batas na naglalayong mailipat sa BJMP ang kontrol at pangangasiwa ng mga piitan sa iba’t-ibang lalawigan.

Ang naturang hakbang ay bahagi ng ating isinumite na Senate Bill No. 1100 o “An Act Transferring the Control and Supervision of the Provincial and Sub-Provincial Jails to the Bureau of Jail Management and Penology, amending for the Purpose Certain Provisions of Republic Act No. 6975, Otherwise Known as the ‘Department of the Interior and Local Government Act of 1990’ as Amended, and for other Purposes.”

Kabilang din sa mga natalakay sa pagdinig ang dalawa pang panukalang batas na may katulad na nilalaman. Ito ay ang Senate Bill No. 1207 ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. at ang Senate Bill No. 1332 na nauna nang isinulong ng ating Majority Floor Leader, Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Ating inimbitahan ang kaukulang ‘resource persons’ sa naturang usapin upang makapag-bigay ng ‘inputs’ at mabigyan linaw ang mga bagay-bagay kaugnay ng paksa para masigurong makararating tayo sa pinakamahusay na desisyon. Sa kabuuan, mabilis at napakaayos ng naging proseso ng ating isinagawang pagdinig. Ito ay bunsod na rin sa pagsang-ayon sa ating panukala ng lahat ng gobernador na dumalo sa ating pagdinig.

Sa ngayon, masasabi natin na umuusad ang ating pagsisikap na maisaayos ang pamamalakad sa operasyon ng ating mga piitan. Mas magiging epektibo ang ‘reformation process’ o itinatakdang sistema ng pagbabago ng ating persons deprived of liberty o PDLs. Ito ang tunay na layunin ng ating mga piitan, ang tulungan ang PDLs na magbago, makabalik sa kanilang pamilya at muling maging produktibong mamamayan ng ating lipunan.

Sa ilalim kasi ng umiiral na batas, nananatili sa ilalim ng mga pamahalaang panlalawigan ang kontrol at pangangasiwa ng provincial at sub-provincial jails. Ito ang gustong baguhin ng ating mga provincial governor. Sa katunayan, itinuturing nilang ‘long overdue’ ang panukalang batas na ito. Dapat umano ay matagal na itong naisagawa dahil ayon na rin sa kanila, masisiguro ang mas maayos at propesyonal na pamamalakad ng mga piitan na ito sa ilalim ng BJMP dahil ang nasabing ahensya ay maituturing na mas ‘well equipped’ at ito ay kanilang ‘expertise.’

Bilang dating director general ng ating Bureau of Corrections, personal kong napagalamanan ang mga kinakailangang gawin upang maisaayos pa ang ating mga piitan. Ang pag-‘professionalize’ sa pangangasiwa ay isang malaking bahagi sa pagsasa-ayos na ito. Napapanahon nang ilipat sa BJMP ang pangangasiwa sa mga provincial at sub-provincial jails upang magkaroon ng ‘integrated approach’ o iisang pamamaraan ng pamamalakad sa mga piitan para sa mas epektibong serbisyo at kapakanan rin ng PDLs.

Bilang isa sa mga co-authors, ikinagagalak din nating lubos ang pagpasa sa third reading ng Senate Bill 1520 o ang Doktor Para Sa Bayan Medical Scholarship Bill na magbubukas ng pinto ng oportunidad para sa marami nating mga kababayan na kapos sa pera, ngunit umaapaw ang kagustuhang paglingkuran ang mga Pilipino at pangalagaan ang kalusugan ng lahat.

Kagaya ng ating sinabi sa plenaryo, napakalapit sa ating puso ng panukalang batas na ito dahil sa personal na karanasan ng ating pamilya. Namatayan tayo ng dalawang batang kapatid noon dahil sa sakit na kaya sanang mapagaling, pero dahil sa kahirapan at sa katotohanang hindi naabot ng mga doktor ang Brgy. Bato, Santa Cruz, Davao Del Sur, hindi na sila nailigtas. Kaya naniniwala tayo na sa pagsasabatas ng panukalang ito, matutugunan na ang kakulangan sa doktor. Hindi na tayo makaririnig na 6 kada 10 Pilipino ang mamamatay ng hindi man lang natignan ng doktor.

Nagpapasalamat tayo sa lahat ng kapwa natin Senador sa pagpasa ng panukalang batas na ito, lalong lalo na kay Senator Joel Villanueva na nag sponsor nito sa plenaryo, at kay Senate President Vicente Sotto III bilang principal author.

Hiling natin na sa lalong madaling panahon ay tuluyan ng maging batas ang Doktor Para Sa Bayan Medical Scholarship Bill, dahil naniniwala tayo sa kasabihan na, “health is wealth.” Kung mas mapapangalagaan natin ang kalusugan ng bawat Pilipino, sigurado ang Pilipinas ay mas lalong magiging progresibo.

The post Provincial jail, mas mapapabutii ng BJMP first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *