Proteksyon para sa mga freelancer

Kaugnay po ng layunin nating tulungan ang ating mga manggagawang makasabay sa matinding agos ng mga pagbabago sa ating lipunan bunsod ng COVID-19, ihahain po natin ngayong linggo sa plenaryo ng senado ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga Pinoy freelancer.

The post Proteksyon para sa mga freelancer first appeared on Abante.

proteksyon para sa mga freelancer - Proteksyon para sa mga freelancer
Joel Villanueva Mr. Trabaho 16 2 - Proteksyon para sa mga freelancer

Kaugnay po ng layunin nating tulungan ang ating mga manggagawang makasabay sa matinding agos ng mga pagbabago sa ating lipunan bunsod ng COVID-19, ihahain po natin ngayong linggo sa plenaryo ng senado ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga Pinoy freelancer.

Sa loob ng mahabang panahon, nanatili ang impresyon ng marami tungkol sa mga freelancer – mga taong sumusunod sa kanilang “passion” sa buhay kahit na maliit lang o halos walang kinikita, ang mahalaga masaya sila sa kanilang trabaho.

Ang tingin po sa freelancing na isang “raket” lang o “gig” ay nagpatibay sa stigma na hindi seryoso at hindi nakabubuhay ng pamilya ang pagiging isang freelancer. Subalit binago na po ito ng daluyong ng pagbabagong hatid ng pag-unlad ng teknolohiya lalo na po ng internet.

Bagamat madaling sabihing sinuwerte ang isa nating kababayang freelancer mula sa Cavite na kumita ng 7.5-milyong piso noong 2013 sa paggawa ng mga mobile app at software program sa kanyang mga kliyente online, bunga po ito ng pagkakaroon n’ya ng skill na akma sa hinahanap ng mga kumpanya sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi na po mabilang sa ngayon ang dami ng mga web platform na nag-uugnay sa mga freelancer at mga kliyente tulad ng “Upwork” na pinakamalaking “talent marketplace” sa buong mundo sa kasalukuyan.

Ilan pa po sa mga trabahong ginagawa ng mga freelancer online ay tutoring, encoding, blogging, graphic designing, web development, internet research, online fitness coaching, telemedicine, at iba pa.

Panahon na po para kilalanin ang karapatan ng mga Pinoy freelancer na maging ang DOLE ay nagpahayag na walang labor protection sa kasalukuyan para sa mga freelancer.

Ayon po sa Paypal, umaabot sa 1.5 milyon ang mga Pinoy freelancer o katumbas ng 2% ng ating populasyon. Sinabi rin ng Paypal na lalago pa ang bilang na ito lalo pa’t maraming mga freelance job mula sa ibang bansa ang inaalok sa mga Pilipino.

Ibig pong sabihin, mas maraming Pilipino ang pwedeng makakuha ng trabaho abroad kahit nandito lang sila sa Pilipinas sa pamamagitan ng “crowdwork”.

Nababayaran po ang mga Pinoy freelancer gamit ang Paypal, wire transfer, Facebook credit, at iba pa. Ang crowdwork ay mga trabahong ginagawa online ng mga manggagawang mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Isinusulong po natin ang panukalang “Protection to Freelancers Act” dahil batid po natin na maraming pang-aabuso sa mga freelancer.

Sa New York, USA, nagpasa po sila ng batas noong 2017 na tinawag nilang “Freelance Isn’t Free Act” dahil sa dami po ng hindi nababayarang freelancer o independent contractor doon.

Kapag naisabatas po ang ating panukala, hindi na aabutin ng siyam-siyam bago mabayaran ang mga freelancer. Nakasaad po sa ating panukala na dapat bayaran nang buo ng kliyente ang isang freelancer sa loob ng 30 araw pagkatapos makumpleto ang trabaho at serbisyo.

Isinusulong din po natin ang iba’t ibang karapatan ng mga freelancer tulad ng “standards for freelance work”, “right to access their own data and information”, “right to affordable and adequate financial services”, “right to education and skills training”, “right to social protection and social welfare benefits”, “right to simplified tax registration, filing and payment system”, at “right to redress of grievances, including alternative dispute resolution processes”.

Bago pa man po ang COVID-19, may 1.5-milyong mga Pinoy freelancer na sa bansa. Dahil sa pandemya, higit na marami nagkaroon ng interes sa freelance work. Napapanahon na po para kilalanin natin ang karapatan ng mga Pinoy freelancer.

The post Proteksyon para sa mga freelancer first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *