Prayoridad sa ASEAN, APEC

Dalawang mahahalagang international summits ang dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakalipas na mga araw kasama ang mga lider ng iba’t ibang bansa kung saan tinalakay ang mahahalagang isyung kinakaharap ngayon sa Asia-Pacific at sa Southeast Asia.

The post Prayoridad sa ASEAN, APEC first appeared on Abante.

prayoridad sa asean apec - Prayoridad sa ASEAN, APEC
EDITORIAL LOGO MEDIAMAN Martin Andanar - Prayoridad sa ASEAN, APEC

Dalawang mahahalagang international summits ang dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakalipas na mga araw kasama ang mga lider ng iba’t ibang bansa kung saan tinalakay ang mahahalagang isyung kinakaharap ngayon sa Asia-Pacific at sa Southeast Asia.

Unang dinaluhan ng Pangulo sa pamamagitan ng virtual conference ay ang Association of South East Asian Nations (ASEAN) summit kung saan nakipagpalitan ito ng pananaw sa mga isyung may kinalaman sa COVID-19 at ang tinatahak na direksiyon ng ASEAN community tungo sa regional at international developments.

Sa kanyang talumpati sa ASEAN, nanawagan po ang mahal na Pangulo sa mga lider sa Asya na palakasin ang regional cooperation para maproteksiyonan ang kalusugan ng mamamayan habang pinapalakas ang mga ekonomiyang pinalugmok ng COVID pandemic.

Ayon po kay Pangulong Duterte, ang COVID-19 pandemic ang pinakamatinding pagsubok ng kasalukuyang henerasyon kaya’t gawing prayoridad ang pagtiyak sa kalusugan ng mga tao sa pamamagitan ng pagtiyak ng sapat na medical supplies, teknolohiya at pagpapaigting ng mga babala para sa mga hindi inaasahang krisis pangkalusugan.

Nanawagan din po ang Pangulo para sa mabilis na implementasyon ng ASEAN Comprehensive Recovery Framework, pati na ang COVID-19 Response Fund para mapondohan ang pagtugon sa pandemya, gayundin ang ASEAN Regional Reserve of Medical Supplies para matiyak na hindi kakapusin sa supply ng gamot, at mabilis na implementasyon ng ASEAN Center for Public Health Emergencies and Emerging Diseases.

Binigyang-diin po ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ASEAN summit ang importansiya ng pagtutulungan para masigurong lahat ng bansa, mayaman man o mahirap, magkaroon ng access sa ligtas na vaccine kontra COVID.

Kasabay po nito, hinimok ng Presidente ang mga kapwa lider sa Asya na habulin at panagutin ang mga mauunlad na bansang nasa likod ng matinding epekto ng climate change dahil sa ibinubugang carbon ng kanilang mga malalaking planta at mga pabrika.

Isa sa mga matinding epekto ng climate change, ayon po sa Pangulo ay ang mga kalamidad kung saan isa ang Pilipinas sa direktang tinatamaan gaya na lamang ng naranasang sunod-sunod na bagyo sa bansa.

Katunayan, habang dumadalo po ang Presidente sa ASEAN virtual summit nitong nakalipas na linggo ay binabayo ng bagyong Ulysses ang bansa.

Dahil dito, hiniling po ni Pangulong Duterte sa summit ang nagkakaisang boses ng mga lider sa Asya para igiit sa mga mauunlad na bansa na bawasan ang kanilang carbon emissions bago maging huli ang lahat.

Matapos ang pagdalo sa ASEAN summit ay ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit naman ang dinaluhan ng Pangulo nitong Biyernes, November 20 sa pamamagitan ng virtual conference.

Ang Malaysia ang host country sa APEC summit ngayong taon subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay ginawa ito sa pamamagitan ng online conference, katulad din ng naging set-up sa ASEAN summit.

Sa talumpati po ng Pangulo sa APEC Economic Leaders’ Meeting, kinilala nito ang malaking papel ng APEC sa pagpapalakas ng paglago ng ekonomiya na nagbigay pag-asa sa milyon-milyong mahihirap na mamamayan sa Pacific region.

Sa kabila aniya ng nararanasang pandaigdigang hamon dulot ng pandemic, sinabi ng Pangulo na hindi ito dapat maging dahilan ito para panghinaan ng loob, bagkus ay mas maging matatag para mapanatli ang katatagan sa rehiyon.

Dapat aniyang panatilhin ang malaya at patas na kalakalan para makamit ang pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19.

Iginiit din po ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati ang pangangailangan para sa tuloy-tuloy na pagpasok ng medical supplies at teknolohiya sa rehiyon, lalong lalo na sa COVID-19 vaccine, at palakasin ang partnership sa mga bansang nakatuklas sa bakuna para magapi ang virus na sumasalanta ngayon sa buong mundo.

Malugod na tinanggap po ng Presidente ang inisyatibo ng Malaysia na magtatag ng COVID-19 Live online portal na layuning maibahagi ang “best practices” sa lahat ng miyembro ng APEC.

Bukod sa epekto ng COVID-19 pandemic, tiniyak po ni Pangulong Duterte sa APEC summit ang kanyang commitment para matugunan ang lumalawak na income inequalities sa pagitan ng mga bansa at hinimok ang bawat isa na paigtingin ang kakayahan para maharap ang epekto ng bagong globalisasyon na resulta ng digitalization o makabagong teknolohiya at innovation.

Sa ginanap na APEC summit, sinuportahan po ang lahat ng mga dumalong lider ang Putrajaya Vision 2040, at nangakong magtutulungan para makamit ang malaya, patas at non-discriminatory na kalakalan at pamumuhunang komunidad.

Sa mga summit tulad ng ASEAN at APEC, naisusulong ng ating Pangulo ang interes ng bawat Pilipino sa mga pandaigdigang usapin.

Kahit sunod-sunod ang hamong kinakaharap ng Duterte administration, hindi po pinapabayaan ng Pangulo ang ating mga obligasyon sa mga regional at international organizations.

Saksi po ang iba’t ibang ASEAN at APEC leaders na prayoridad ni Pangulong Duterte ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino.###

The post Prayoridad sa ASEAN, APEC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *