Prangkisa ng ABS-CBN muling nabuhay

Mukhang muling mabubuhay at uusad na naman ngayong 2021 ang usapin ng pagkakaloob ng prangkisa sa ABS-CBN na nawala sa himpapawid noong May 5, 2020 matapos mabigo ang Kongresong i-renew ang napasong prangkisa ng higanteng network.

The post Prangkisa ng ABS-CBN muling nabuhay first appeared on Abante.

prangkisa ng abs cbn muling nabuhay - Prangkisa ng ABS-CBN muling nabuhay
EDITORIAL LOGO USAPANG BARAKO RALPH RECTO 1 - Prangkisa ng ABS-CBN muling nabuhay

Mukhang muling mabubuhay at uusad na naman ngayong 2021 ang usapin ng pagkakaloob ng prangkisa sa ABS-CBN na nawala sa himpapawid noong May 5, 2020 matapos mabigo ang Kongresong i-renew ang napasong prangkisa ng higanteng network.

Sinimulan ni Senate President Tito Sotto ang taon sa pamamagitan ng pag-file ng bill na nagkakaloob ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.

Kung matatandaan nyo, ako ang unang nag-file ng bill sa Senado na nagre-renew ng kanilang prangkisa noong August 28, 2019. Sinundan iyon ng pag-file rin ni Rep. Vilma Santos-Recto ng katulad na bill noong September 2, 2019.

Sa kasamaang palad, hindi kaagad naisalang sa deliberasyon ng House of Representatives ang mga bills tungkol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. At inabutan na nga ng expiration ang kanilang prangkisa.

Ang lahat ng aplikasyon sa prangkisa ay kinakailangang magmula sa House of Representatives bago ito talakayin sa Senado. Hindi namin maaaring simulan ang pagtalakay nito hanggang hindi ipinapasa ng Kongreso ang nasabing prangkisa.

Kaya’t ngayon ay panibagong simula na naman sa pag-file ng bill at pagtalakay dito.

Ramdam ng marami sa atin ang pagkawala sa ere ng ABS-CBN lalo pa at natapat ito noong panahong pinapatupad ang mahigpit na lockdown at lahat ng tao ay pwersadong manatili sa bahay.

Lalong naramdam ang pagkawala nito sa ere sa nagdaang 3 malalakas na bagyo – Quinta, Rolly at Ulysses – na nanalasa sa malaking bahagi ng bansa.

Kwento ng mga naging biktima ng bagyo sa malalayo at liblib na lugar, wala silang natanggap na warning upang paghandaan ang malakas na bagyo dahil nawala na sa ere ang ABS-CBN at DZMM na tanging istasyon ng telebisyon at radyong nasasagap sa kanilang lugar.

Walang makatatangging hanggang noong mawala sa ere ang ABS-CBN, kuha nila ang pinakamalaking market share sa mga nanonood ng telebisyon at nakikinig sa radyo. Nakasunod sa kanila ang kumpetisyon na GMA 7.

Bukod sa pagkawala ng pangunahing pagkukunan ng balita ng mga kababayan nating tanging radyo at telebisyon ang sinusubaybayan, libong mga tao rin ang nawalan ng trabaho sa pag-expire ng prangkisa ng istasyon.

Ngayon na ang tutok ng pamahalaan, ekonomista at mga negosyante ay ang muling pagbangon ng ating ekonomiya, malaking kabawasan sa bilang ng unemployment kung papayagan muling mag-operate ang ABS-CBN.

Sa pagbabalik nila sa himpapawid, bitbit nila ang muling pagkakaroon ng trabaho ng 11,000 na empleyado, at pagkabuhay ng mga car at equipment rentals, caterings, karinderya, outsource agencies tulad ng security guards at extras na pawang nabibigyan nila ng kabuhayan sa mga shootings nila. Ilang halimbawa lamang iyan ng lawak ng trabahong naibibigay ng ABS-CBN sa marami.

Mabuti rin na mas maraming kumpetisyon sa mga istasyon upang mas de-kalidad na mga programa at balita ang maihahatid nila sa atin.

Suportado namin ni Vilma ang muling pagtalakay at pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN. Sapagkat kahit saang anggulo tingnan, mas matimbang talaga ang maraming kabutihang naibibigay nito sa mas maraming Pilipino.

Sana’y mapagbigyan ang prangkisa at mapasaya natin ang maraming taong muling magkakatrabaho sa pagbabalik ng ABS-CBN.

The post Prangkisa ng ABS-CBN muling nabuhay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *