PNP seniority tama lang

HINDI na ako nagulat sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si Police General Camilo Pancratius Cascolan bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) kapalit ng nagretirong si Archie Gamboa.

The post PNP seniority tama lang first appeared on Abante.

pnp seniority tama lang - PNP seniority tama lang
Kaye Dacer Aksyon Lady 28 1 - PNP seniority tama lang

HINDI na ako nagulat sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si Police General Camilo Pancratius Cascolan bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) kapalit ng nagretirong si Archie Gamboa.

Maganda na rin ng program or principle of seniority na basehan sa pag- appoint ng bagong PNP Chief. Si Cascolan ang huling PMA CLASS 86 officer at dating Deputy Director for Administration, ang ikalawang pinakamataas na puesto sa organisasyon.

Tulad sa AFP, kung saan na bagamat ang current AFP Chief Gen. Gilbert Gapay ay makakapaglingkod ng serbisyo ng 6 na buwan na lang dahil nakatakda itong magretiro sa araw ng kanyang kaarawan sa Pebrero 4, 2021.

Sa appointment ni Cascolan, mukhang yan rin ang sinusunod na panuntunan sa PNP para mapuwesto pa si PGen Cascolan kahit magreretiro na ito base sa kanyang kaarawan sa Nobyembre 10.

Matatandaang nuong panahon ni dating PNP Chief at ngayo’y senador na, si Ronaldo Bato de la Rosa ng PMA CLASS 86 ay nilaktawan ang 4 batch ng classes, mula CLASS 82 hanggang CLASS 85. Hindi naging maganda ang reaksyon ng mga opisyal ng nalaktawang klase ngunit kailangan tanggapin nila ito dahil prerogative ng Presidente ang hakbang na iyon.

Sa isang banda mukha namang nag- adjust na ang Pangulo at si DILG Sec Eduardo Ano sa pagpili ng mga hepe ng AFP at PNP para maging seniority na ang batayan sa succession.

Ang tawag dito ay ‘revolving door policy.’ Mabuti na rin ito upang maiwasan ang demoralisasyon sa hanay ng mga opisyal ng naturang organisasyon.

Sa ganitong sistema, nabibigyan din ng pagkakataon ang mga deserving senior officials ng organisasyon na makamtan ang pinakamataas na puwesto at pagpugay sa career nila.

Kaya abangan na lamang natin ang mga susunod pang kabanata sa PNP.

***

Natinag ang mga telecommunications company noong magalit si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nadiskubreng pangingikil ng mga local government units (LGUs) sa mga ito kapalit ng pagpoproseso sa kanilang mga papeles.

Ang mga LGUs ang binalikan ng Pangulo sa isyu. Sa katunayan ay may mga kinasuhan ang DILG para panagutin sa kanilang kawalanghiyaan.

Kabilang tayo sa natuwa sa hakbang na ito ng pamahalaan.

Pero ang concern natin ngayon ay ang sobrang kapalpakan ng ilang telecommunications company.

Nagbebenta ng kung anu-anong klaseng wi-fi na punun-puno ng pakulo pero sobrang kupad pa rin kaya mas mahabang oras ang ginugugol ng mga nagtatrabaho, lalo na ang mga nasa work from home.

Sa totoo lang isa ang telecom company sa tumiba ngayong pandemya. Kabilang sila sa nakinabang sa online learning dahil sa dagsa ng nangailangan ng internet connection.

Pero sa kabila ng pag-boom ng kanilang sektor nakakalungkot na hindi nila ito tinatapan ng matinong serbisyo.

Kaawa-awa ang mga estudyanteng kung saan-saan pumupunta para makasagap ng signal.

Sana naman ay maaksyunan din ng DICT ang isyung ito.

Hindi pa nagsisimula ang klase sa mga pampublikong eskuwelahan at mga private pa lang ang nagkaklase pero dusa na sila sa internet paano pa pag umarangkada na rin klase sa public?

Dagdag stress sa bawat gumagamit ng internet sa trabaho at pag-aaral ang dinaranas ngayon ng marami sa mabagal at madalas ay kawalan ng signal ng kanilang mga service provider.

Nagbabayad naman sa tamang oras pero walang matinong serbisyong napapala sa mga telecom company.

Sana naman ay isama nyo sa tinututukang problema sa pandemya ang internet dahil napakahalaga nito ngayon lalo na sa mga estudyanteng seryosong nag-aaral.

The post PNP seniority tama lang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *