Pilipino nga ba ang suicide bomber?

Isa sa mga sinasabing suicide bomber ay isa umanong Pilipino. Kung magkagayon, isa ito sa mga nagdulot ng pagkamatay ng limang tao at 22 na sugatan sa Sulu.

The post Pilipino nga ba ang suicide bomber? appeared first on Abante News Online.

pilipino nga ba ang suicide bomber - Pilipino nga ba ang suicide bomber?
Sulat kay Editor - Pilipino nga ba ang suicide bomber?

Dear Abante,

Isa sa mga sinasabing suicide bomber ay isa umanong Pilipino. Kung magkagayon, isa ito sa mga nagdulot ng pagkamatay ng limang tao at 22 na sugatan sa Sulu.

Kinumpirma ng umano’y ina ng suicide bomber na anak nga niya ang nasabing salarin. Ngunit mas maigi kung hintayin muna ang resulta ng DNA test upang makumpirma nga ang pagkakakilanlan nito.

Mahalaga ba kung Pinoy siya o hindi? Oo, mahalaga ito lalo sa mga namatayan sa trahedyang pambobomba na iyon. Nararapat lang na malaman nila ang totoo.

Malay ba natin kung anong gulo na naman ang binabalak ng mga terorista. Lalong-lalo na sa panahon ngayon na kahit ang kasinungalingan ay nagiging totoo.

Marjane Dy ng Manila
***
Mga pasaway

Dear Abante,

Magandang araw po, dito sa amin sa Makiling sa Lungsod ng Calamba, Laguna. Napakarami po ng mga naitayong boarding house na nagawa nang wala man lang building permit.

Nakakatakot po kung tamaan ng lindol at lahat po ng kanto along the highway maraming tricycle na namamasada na walang lisensya ang driver at walang rehistro ang motor at walang prankisa.
Boy ng Makiling Calamba, Laguna.

Magkomento sa mga isyu ng bayan. Para sa inyong saloobin, mag-email sa abantetonite@gmail.com upang maipaabot sa mga kinauukulan.

The post Pilipino nga ba ang suicide bomber? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *