Pilipinas vs China Round 2

May bagong bakbakan na hindi lang ng mga Pinoy at Chinese ang mag-aabang kung hindi ang buong mundo. Kaugnay pa rin ito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea at ng ating mga pobreng mangi­ngisdang Pinoy.

The post Pilipinas vs China Round 2 appeared first on Abante News Online.

pilipinas vs china round 2 - Pilipinas vs China Round 2
Abante Rey Marfil Spy on the job - Pilipinas vs China Round 2

May bagong bakbakan na hindi lang ng mga Pinoy at Chinese ang mag-aabang kung hindi ang buong mundo. Kaugnay pa rin ito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea at ng ating mga pobreng mangi­ngisdang Pinoy.

Pero bago ‘yan, kinulit tayo ng isa nating kurimaw na mahilig sa OPM songs tungkol sa nangyayaring ‘sex scandal’ na sangkot ang ilang sikat na K-Pop artists. Aba’y may kalokohan din daw pala itong mga kulokoy na hinahangaan maging ng mga Pinoy.

Ang siste, may mga male K-pop stars na nahaharap ngayon sa asunto dahil sa pakikipagtalik nila sa ilang babae. Kung tutuusin, hindi naman nakapagtataka iyon dahil sa sikat sila kaya tiyak na may mga babae na papayag na makasiping sila. Kung tutuusin, hindi lang naman siguro mga K-pop star ang nakikipag­-too-toot maging sa kanilang fans.

Ang masama lang sa ginawa ng mga kulokoy na ito, ibinidyo nila ang pakikipaglampungan nila sa kama. But wait there’s more, ipinanood pa nila sa iba ang video. Ang tanong ng ating kurimaw, may mga Pinay kaya na nabiktima ang mga kulokoy? At mga mga babaeng K-pop artist din kaya na gumagawa nito?

Pero sadya palang problema raw ngayon sa Korea ang ginagawang pagbi-video ng mga lalaki sa pakikipag-too-toot nila sa mga babae, na walang alam na ginagawan na pala sila ng remembrance. Kahit sa ilang hotel doon, may mga staff na naglalagay­ ng spy cam sa iba’t ibang sulok ng kuwarto at banyo para mai-video ang mga kostumer na nagche-check-in. At ang video, inila-livestream ng mga mokong at nanini­ngil ng bayad.

Dahil nga may video na ang cellphone, maging­ dito sa atin sa Pilipinas, nangyayari din ang pag-video ng mga lalaki sa pakikipag-too-toot nila sa babae. Kung minsan pa nga eh alam ng babae. Kaya kapag nakipag-break ang babae, ginagamit na pang-blackmail ng lalaki ang video.

Pero ang tanong, sa mga hotel o motel kaya sa atin, mayroon din kayang mga spy cam na namboboso sa mga kliyente nila at mapapanood sa internet?

Kaya sa mahilig magso-short time, aba’y i-check munang mabuti ang mga motel o hotel na papasukin at baka may ‘big brother’ na nanonood sa inyo.

Samantala, natutuwa ang isa pa nating kurimaw na mahilig sa seafood dahil sa ginawa nina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, na kasuhan at isumbong sa International Criminal Court (ICC), si Chinese President Xi Jinping.

Ang kaso mga tsong ay bunga ng ginagawang pagtataboy at pagbaba­wal ng mga barko ng China sa mga Pinoy na makapangisda sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea—na una nang idineklara ng United Nation Arbitration Tribunal na ang mga Pinoy ang mas may karapatan.

Sina Del Rosario at Carpio ang nagsisilbing kinatawan ng mga mangi­ngisdang inagawan at inalisan ng kabuhayan ng China. Ang masaklap nga lang, ayon sa ating kurimaw, may mga opisyal ng Pilipinas na sa halip na suportahan ang isinampang kaso para sa mga mangingisda, eh para pa raw nagiging abogado ng China.

Hindi natin maaalis na maghinanakit ang ating kurimaw. Bagaman batid nga naman natin na beshie ng kasalukuyang­ administrasyon ang China, hindi kaya mas makabubuti sa mga opis­yal na iwasan na lang magkomento sa isyu, o kung hindi mapipigilan ang bibig na dumaldal, pag-aralang mabuti ang kanilang sasabihin na hindi sila magmumukha o tunog pro-China at anti-Pinoy fishermen.

May mga nagsasabi na wala namang mangyayari sa kasong isinampa nina Del Rosario at Carpio sa China. Pero kung wala mang mangyari, naipakita naman ng dalawa na may mga tao pang nagmamalasakit sa kapakanan ng mga mangingisdang Pinoy. Ipinakita rin nila sa China na hindi lahat ng Pinoy ay tameme sa ginagawa nilang pambabarako sa West Philippine Sea. Bukod doon, maipapakita muli ng Pilipinas sa buong­ mundo kung gaano kagahaman ang China sa pananakop ng teritoryo, gaya ng ginawa ng administrasyong Aquino nang sampahan nito ng kaso ang China sa arbitration tribunal.

Hindi man kinilala ng China ang pabor na desisyon ng tribunal sa Pilipinas, kinikilala naman ito ng ibang makapangyarihang bansa tulad ng Amerika at iba pa. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

The post Pilipinas vs China Round 2 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *