Pilipinas, isa sa pinaka-ligtas na bansa

Ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka-ligtas na bansa sa buong mundo. Ito ay ayon sa Gallup, isang kompanya sa US na nangangalap at nag-aaral ng mga opinyon.

The post Pilipinas, isa sa pinaka-ligtas na bansa first appeared on Abante.

pilipinas isa sa pinaka ligtas na bansa - Pilipinas, isa sa pinaka-ligtas na bansa
TALAGA ba 11 - Pilipinas, isa sa pinaka-ligtas na bansa

Ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka-ligtas na bansa sa buong mundo. Ito ay ayon sa Gallup, isang kompanya sa US na nangangalap at nag-aaral ng mga opinyon.

Base sa kanilang 2020 Global Law and Order na ulat, nakamit ng Pilipinas ang index na84, kung saan kasama natin ang mga bansangAustralia, New Zealan, Poland at Serbia.

Sa index na 85, bahagyang nakalamang sa Pilpinas ang mgabansang US, Japan, Sweden at iba pa.

Hindi ka makapaniwala? Asahan ninyo na maramingmagbibigay ng puna sa resultang ito, lalong lalo nadahil ito ay nagbibigay ng impresyon na ang Pilipinas ay may mataas na antas ng kaligtasan. Malamang sasabihin ng mga pupuna dito na ito ay malayo sa katotohanan kung pagbabasehan ang antas ng kriminalidad sa bansa.

Sumubaybay ka lamang sa balita at magkakaroon ka ng pagdududasa resulta.

Nguni’t dapat tandaan na ang mga resultang ito ay hindi nangangahulugan ng tunay na antas ng kaligtasan kung hindi ng pakiramdam ng kaligtasan.

Ang pagtataya na ginawa ng Gallup ay nagmula samga sagot ng mga lumahok. Kasama sa mgakatanungan ay kung saang lugar sila nakatira, kung may tiwala ba sila sa kapulisan sa kanilang lugar, kung ligtas ba ang kanilang pakiramdam habangnaglalakad mag-isa sa gabi duon sa lugar kung saan sila nakatira, kung sa loob ng nakalipas na 12 buwan sila ay nawalan ng pera o nanakawan, at kung sa loob ng nakalipas na 12 buwan sila ay nasalakay, sinaktan o na-holdap.

Ayon sa kanilang sistema ng pagtataya ng kaligtasan, ang mas mataas ang numero ng index ay nangangahulugan na mas nakararami sapopulasyon ang nakakaramdam ng kaligtasan.

Ang mga bansang Singapore at Turkmenistan ang nasa pinakamataas na antas. Nakatala sila ng index na 97. Sinundan ito ng China na may iskor na 94; sumunod naman ang mga bansang Iceland at Kuwait na parehong nagtala ng 93.

Sa ibaba ng listahan, nangangahulungang pinaka-hindi ligtas ang pakiramdam ng mga tao, ay ang bansang Afghanistan na may index na 43. Bahagyang mabuti-buti ang bansang Gabon na may index na 52.

Samantala, ang Venezuela at Liberia ay parehong may index na 54.

Madalas nating marinig ang ilan sa ating mgakababayan na puro negatibo ang ibinabahagi saibang tao kapag nagtatanong tungkol sa Pilipinas. Ang mga maririnig mo ay ang mga kapintasan at reklamo, na parang may pakiramdam ng pagkapanalo sa mga maling bagay.

Halimbawa, kapag ang usapin ay tungkol sa gobyerno, hindimaaring matapos ang kwentuhan hangga’t hindinasasabi na mas malala ang ating sitwasyon. Nakakalungkot.

Hindi ko sinasabi na dapat tayong magsinungalingat ibida ang mga bagay na hindi totoo. Nguni’t maaririn nating hanapin at isipin ang mga pwedengmaging positibo.

Kaya, kapag tinatanong tayo ng isang dayuhan na nagnanais magpunta sa Pilipinaskung safe ba dito, ano ang isasagot mo?

Ako, ang magiging sagot ko sa tanong na iyan—maraming pulis sa Pilipinas!

The post Pilipinas, isa sa pinaka-ligtas na bansa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *