PESO itaguyod at palakasin

Marami pong mga Pilipino ang nagpapasalamat sa ating mga PESO o Public Employment Service Office dahil ito ang nagsilbing tulay para makahanap sila ng trabaho at magkaroon ng oportunidad sa buhay.

peso itaguyod at palakasin - PESO itaguyod at palakasin
MR.trabaho 1 - PESO itaguyod at palakasin

Marami pong mga Pilipino ang nagpapasalamat sa ating mga PESO o Public Employment Service Office dahil ito ang nagsilbing tulay para makahanap sila ng trabaho at magkaroon ng oportunidad sa buhay.

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nilikha ang PESO noong taong 2000 sa bisa ng Republic Act No. 8759 para magsilbing ‘multi-employment service facility’ o puntahan ng mga Pilipinong naghahanap ng trabaho o serbisyong pangkabuhayan.

Noong 2015, inam­yendahan po ng Kongreso ang ‘PESO Act’ para gawing mas mo­derno ang kakayahan ng ating mga PESO. Sa ilalim ng RA 10691, binigyan ng kapangyarihan ang mga local government unit o LGU na maglaan ng pondo mula sa internal revenue allotment para sa PESO at lumikha ng posisyon para sa PESO Manager at isang Labor and Employment Officer.

Naniniwala po tayo na dapat maibaba sa mga munisipyo o lalawigan ang panga­ngasiwa sa PESO dahil mas mabilis na makakatugon sa problema ng unemployment sa bansa ang mga lokal na pamahalaan.

Naging sentro po ang isyung ito sa katatapos na 19th National PESO Congress sa Bacolod City na pinangunahan ng PESO Managers Association of the Philippines (PESOMAP) at Bureau of Local Employment (BLE).

Nakiisa po tayo sa panawagan ng DOLE sa mga LGU na magtaguyod ng PESO sa kanilang mga nasasa­kupan. Sa kasaluku­yan, may 504 na PESO pa lamang po ang na­ging institusyunal sa kabuuang 1,926 na mga PESO sa buong bansa.

Kung mas maraming PESO at Job Placement Office ang maitataguyod hindi lang sa mga LGU kundi ma­ging sa ating mga educational institution, mas madali po nating maisasakatuparan ang pagbibigay ng disenteng trabaho sa ating mga kababayan.

Ang PESO po ang nagsisilbing tulay para magtagpo ang mga employer at jobseeker sa kanilang lokalidad. Bukod po sa halos araw-araw na pagsasagawa ng mga job fair, tungkulin rin po ng PESO na maghanap ng mga job vacancy at magbigay ng training, seminar at counselling sa mga naghahanap ng trabaho.

Isinama rin po natin ang PESO sa implementasyon ng isinulong nating ‘First-Time Jobseekers Act’ o RA 11261 para magsilbing one-stop shop na tutulong sa mga bagong graduate na makumpleto nang lib­re ang kanilang mga pre-employment document.

Kaugnay po ng batas na ito, pinag-aaralan po natin ang pagtataguyod ng mga Job Placement Office o Trabaho Centers sa ating mga eskuwelahan, lalo na po sa mga State Universities and Colleges (SUC) at mga TESDA Technology Institutions (TTI) para lalo pa nating matulungan ang ating mga bagong graduate at first-time jobseekers na makakuha agad ng trabaho.

Binabati po natin ang mga kinilalang National Best PESO ngayong 2019—ang PESO-Cebu City, PESO-Olongapo City at PESO-Valenzuela City.

Job Fair Schedule:
LGU-PESO Tubod Job Fair—Tubod Cultural Center, Poblacion, Tubod, Lanao del Norte—October 14-15
Masskara Job Fair —Bacolod Arts and Youth Center, Bacolod City—October 16
Trabaho, Negosyo, at Kabuhayan Jobs and Business Opportunities—ASEAN Convention Center—Clark Freeport Zone, Pampanga—October 17-18

senatorjoelvilla­nueva@yahoo.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *