Pasko sa panahon ng pandemya

Ilang araw nalang at noche buena na.

The post Pasko sa panahon ng pandemya first appeared on Abante.

pasko sa panahon ng pandemya - Pasko sa panahon ng pandemya
EDITORIAL LOGO Barry Gutierrez usapang barrykada - Pasko sa panahon ng pandemya

Ilang araw nalang at noche buena na. Bagama’t kakaibang pagdiriwang ang mangyayari sa bawat tahanan, mahalagang patuloy tayong nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatanggap natin dahil kahit ano pa man ang kinakaharap natin sa kasalukuyan, nandito pa rin tayo at may kakayahang pa ring lumaban.

Kaya puspusan ang serbisyo ni VP Leni Robredo at ng Tanggapan para makapagdala ng tulong sa mga kababayan nating naghirap na ngang lalo dahil sa pandemya, nasalanta pa ng mga bagyong sunod-sunod na dumating. Sa pamamagitan ng mga nalikom na donasyon kasama ang ating mga Angat Buhay partners, nakapaghatid tayo ng iba’t ibang tulong sa pinakamaliliit, pinakamahihirap, at pinakamalalayong komunidad sa buong bansa.

Gaya ng mga pagbisita natin sa iba’t ibang probinsya simula nang tumama ang mga bagyo, nitong linggo ang relief operations natin ay nakatutok sa mga lugar sa NCR. Iba’t ibang lugar sa Quezon City gaya ng Payatas, Tondo sa Manila, tabing ilog at riles sa Caloocan City, at Tanay sa Rizal ang hinatiran natin ng mga relief goods, hot meals, kumot, kulambo, at iba pang pangangailangan ng mga pamilya pati na mga materyales para makumpuni ang mga nasirang mga bahay.

Nagtungo rin tayo sa Camarines Sur nitong linggo para sa patuloy na relief operations. At nagsimula na rin ang pagtatayo ng mga bahay sa programang BAHAYnihan sa Guinobatan, Albay.

Maliban sa mga nasalanta ng bagyo, walang tigil rin ang mga programa para makatulong sa pagbangon ng ating bayan. Nagturnover tayo ng tulong para sa pagbuo ng timber footbridge sa Hadji Panglima Tahil sa Sulu. Nagkaroon tayo ng groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng RT-PCR Molecular Laboratory sa Naga City. At nagturnover rin tayo ng tulong para sa mga seaweed farmers at fisherfolk sa Coron, Palawan.

Tulad ng mga buwan simula nang makipagsapalaran tayo sa pandemya, hindi tayo tumigil sa pag-aksyon para mabigyan ng lunas ang mga kinakaharap na problema ng ating mga kababayan. Walang kahit anong delubyo o paninira ang makapipigil sa amin sa Tanggapan at kay VP Leni na magtrabaho ng dire-diretso para mabigyan ng tulong ang bawat may kailangan, bigyan ng pag-asa ang nawawalan nito, at ipadama ang malasakit at pagmamahal ngayong magpapasko.

Maligayang pasko po sa inyong lahat!

The post Pasko sa panahon ng pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *