Pasasalamat kay Mayor Isko

Malaki ang pinagbago ng Maynila nang maupo si Mayor Isko, nawala ang mga illegal vendors na mga siga sa gitna ng daan.

The post Pasasalamat kay Mayor Isko appeared first on Abante News Online.

pasasalamat kay mayor isko - Pasasalamat kay Mayor Isko
Sulat kay Editor - Pasasalamat kay Mayor Isko

Dear Abante,

Malaki ang pinagbago ng Maynila nang maupo si Mayor Isko, nawala ang mga illegal vendors na mga siga sa gitna ng daan.

Maraming salamat Mayor Isko dahil sa mga ginagawa mong magaganda at pagsasaayos ng mga lugar sa Kamaynilaan.

Mayor sana ayusin mo din ang mga trak sa Road 10 na pumapasok at lumalabas sa pier na sobrang trapik at minsan pumapasok na sila sa Moriones na hindi naman dapat kasi napakaliit lang ng daan.

At tuwing Huwebes naman kung saan dumadating ang mga pasahero sa mga barko ay sinasakop naman ng mga taxi, jeep, pedicab at tricycle ang kalsada sa Zaragosa kaya sumisikip ang kalsada. Sobra din sila maningil sa mga kawawang pasahero na parang P100 isang tao mula sa Zaragosa papuntang Binondo o Recto.

Max Kabalera ng Moriones, Tondo

***
Kamatayan para sa mga taksil

Dear Abante,

Pabor ako sa death penalty, at ang gusto kong unahin nila sa pila ay ang mga NPA. Hindi ba’t ninakaw din nila ang magandang bukas na dapat ay nakalaan sa mga kabataan? Pinatay nila ang diwang makabayan ng mga ilang tao na naloko nila sa kanilang mga huwad na katotohanan. Pinagsamantalahan at ginahasa nila ang mga inosenteng indigenous people para gamitin sa makasariling layunin nila! Dinadaya nila ang sarili nilang gobyerno at bansa. Ipinagkakait nila ang katahimikan sa ating bansa. Dapat siguro patahimikin na sila kung hindi nila kayang magbago. Mga wala silang puso!
Marjane Dy

The post Pasasalamat kay Mayor Isko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *