Pangako ng Birhen sa mga nagsusuot ng ‘brown scapular’

Ipinagdiwang ng Simbahan kahapon ang Pista ng Birhen ng Maria ng Bundok ng Carmelo. Taon-taon ginugunita ang araw ng pagkakaloob ni Maria ng kayumangging tela kay San Simon Stock na nagpakita noong Hulyo 16, 1521 sa father general ng Kapisanan ng Hermanos ng Pinagpalang Birhen Maria ng Bundok ‘del Carmen’.

The post Pangako ng Birhen sa mga nagsusuot ng ‘brown scapular’ appeared first on Abante News Online.

pangako ng birhen sa mga nagsusuot ng brown scapular - Pangako ng Birhen sa mga nagsusuot ng ‘brown scapular’
Abante Fr. Richard Bolaton Church Werpa 1 - Pangako ng Birhen sa mga nagsusuot ng ‘brown scapular’

Fr. Richard Bolaton, STL

Ipinagdiwang ng Simbahan kahapon ang Pista ng Birhen ng Maria ng Bundok ng Carmelo. Taon-taon ginugunita ang araw ng pagkakaloob ni Maria ng kayumangging tela kay San Simon Stock na nagpakita noong Hulyo 16, 1521 sa father general ng Kapisanan ng Hermanos ng Pinagpalang Birhen Maria ng Bundok ‘del Carmen’.

Ayon sa matandang alamat, may mga ‘ankoreta’ o ermitanyo sa bundok ng Carmelo sa Syria na nakatalaga sa pangangalaga ng Mahal na Birhen. Tinawag ang religious order na ito na ‘Carmelites’. Kulay kayumanggi ang kasuotan ng mga miyembro na nakatala talaga sa kabanalan sa pamamagitan ng debosyon sa Ina ng Diyos.

Noong ika-12 daantaon nagtungo ang kapisanan sa Europa kung saan nangyari ang pangitain. Ayon sa kasaysayan, nagpakita ang Mahal na Birhen sa pangkalahatang lider ng grupo dala ang isang scapular sa kanyang mga kamay. Inatasan ni Maria Santísima ang kongregasyon na ipa­laganap ang nasabing debosyon.

Ayon kay San Simon Stock, nangako ang Birhen sa mga magsusuot ng nasabing religious apparel na hindi matitikman ang walang hanggang apoy ng impiyerno. Maaasahang tanda raw ng kaligtasan ang nasabing tela sa lahat ng panganib sapagkat taglay nito ang pa­ngakong kapayapaan at kaligtasan sa mga kasapi.

Mabilis lumaganap ang debosyon sa Birhen del Camen matapos aprubahan ito ni Papa Benedicto XIII taong 1726. Dahil sa pagdagsa ng deboto at paglawak ng pamimintuho sa Mahal na Birhen ng Bundok del Camen, binansagang ‘Bulaklak ng Karmelo’ at Reyna ng Carmelite Order si Maria. Tinaguriang ‘mantel ng proteksiyon’ at ‘tanda ng pagtatalaga ng sarili sa Diyos’ ang brown scapular.

Halos limangdaang taon ang eskapularyo at ‘di na mabilang ang mga milagro ng tanyag na ‘Sakramental’ ng Iglesya—patuloy na umaasa ang mga deboto sa mga pangako ni Maria. Mula noon hanggang ngayon nananatiling simbolo ito ng pangangalaga ng Birhen. Ang tapat na pagsusuot, ayon sa Simbahan ay paalala na tayo’y mga katoto ng Diyos tulad ng Birhen na nagsuko ng buong sarili sa Kanya.

Sa huli, binigyang-diin ni Maria kay San Simon Stock ang tungkol sa ‘Sabbatine Priviledge’ ibig sabihin, sa Unang Sabado pagkaraan ng paglisan ng isang deboto sa mundo, susunduin niya ang kaluluwa nito sa purgatoryo upang papasukin sa langit—pruweba na talagang gagawin ng Birhen ang lahat upang makamit ng kanyang mga hinirang ang kaligtasan!

Maraming tao nga­yon ang may suot ng brown scapular. Inamin ng da­ting Santo Papa, Saint John Paul II na sa batang edad nagsuot na siya ng scapular upang humingi ng tulong at proteksiyon ng Mahal na Birhen. Isang palaisipan sa maka­bagong panahon ang waring pagkalimot sa mga pa­ngako ni Maria. Nawa ang tapat nating debos­yon bilang mga kasapi ng Kapisanan ng Eska­pularyo ay magsilbing inspirasyon at pag-asa sa iba hinggil sa malasakit at awa ng Diyos na palaging nakaantabay sa atin.

The post Pangako ng Birhen sa mga nagsusuot ng ‘brown scapular’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *