Panawagan sa CHR

Dear Abante:
Nakakabahala na ang pagpatay ng mga teroristang NPA sa mga kaawa-awang sibilyan sa lalawigan ng Negros Oriental. Akalain mo ‘yung pati batang walang kamuwang-muwang ay pinatay kasama ang kanyang magsasakang ama.

panawagan sa chr - Panawagan sa CHR
Sulat kay Editor - Panawagan sa CHR

Dear Abante:
Nakakabahala na ang pagpatay ng mga teroristang NPA sa mga kaawa-awang sibilyan sa lalawigan ng Negros Oriental. Akalain mo ‘yung pati batang walang kamuwang-muwang ay pinatay kasama ang kanyang magsasakang ama.

Sobra na talaga ang pang-aalipusta at pananakot ng mga teroristang NPA. Dapat na silang bigyan ng leksyon para matigil na ang mga paglabag sa karapatan ng mga ordinaryong sibilyan. Kaya dapat lang siguro na patawan na ng all-out war ang mga teroristang ito.

Isa pa, bakit ang Commission on Human Rights ay mukhang tameme sa ginagawang walang habas na pagpatay ng mga teroristang ito? Pati na nga itong mga mahilig magngawngaw sa kalsada para itigil kuno ang paglabag sa karapatang pantao ay mukhang nabingi na sa hiling na hustisya ng mga pamilya ng mga biktima.

Nasaan na ba kayo CHR, Gabriela, Karapatan at iba pa na mahilig sumigaw ng hustisya? Bakit wala man lang akong narinig na panawagan at pag-uusig sa problemang ito? ‘Yung mga international human rights din nasaan na ba kayo?

Bakit bulag at bingi na kayo sa kasong ito? Sadya nga atang may iba kayong gusto sa kasisigaw ninyo ng hustisya sa kalsada at pagsampa ng kaso.

Imulat na po natin ang ating mga mata sa mga taong ito. Ngayon masusubukan kung sino ang dapat paniwalaan at pagkatiwalaan ng mga tao. Hustisya sana ang ibigay sa mga biktima ng mga teroristang NPA.

Sandra Ballaran

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *