Pambansang pondo tungo sa ating pagbangon

Good news mga kababayan! Pumasa na po sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang P4.506 trillion 2021 General Appropriations Bill na inaasahang susuporta sa mga nakalinyang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon para makabangon sa epektong idinulot ng COVID-19 pandemic.

The post Pambansang pondo tungo sa ating pagbangon first appeared on Abante.

pambansang pondo tungo sa ating pagbangon - Pambansang pondo tungo sa ating pagbangon
Mediaman martin andanar 4 750x430 2 10 - Pambansang pondo tungo sa ating pagbangon

Good news mga kababayan! Pumasa na po sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang P4.506 trillion 2021 General Appropriations Bill na inaasahang susuporta sa mga nakalinyang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon para makabangon sa epektong idinulot ng COVID-19 pandemic.

Dahil dito napawi ang mga agam-agam sa posibilidad na kapusin sa panahon ang Kongreso at magkaroon ng re-enacted budget dahil agad na umaksiyon ang mga kongresista matapos magpatawag ng special session ang mahal na Pangulo sa pamamagitan ng Proclamation 1027.

Nakapaloob sa inisyung proklamasyon ni Pangulong Duterte ang panawagan sa mga Kongresista na aksyunan sa loob ng apat na araw o mula October 13-16 ang 2021 proposed national budget para maiwasan ang anumang delay sa pagpasa nito.

Matatandaang nagbitiw po ng mabigat na salita ang Pangulo na kung hindi uusad ang panukalang pambansang budget sa Kongreso ay siya ang kikilos para maipasa ito na nagbigay ng matinding senyales sa mga mambabatas para isantabi muna ang politika. Tunay na action man ang Pangulo!

Ang aming tanggapan — Presidential Communications Operations Office (PCOO) — ay lubos na nagpapasalamat sa liderato ni House Speaker Lord Allan Jay Velasco dahil sa mabilis na pagtugon sa naging kahilingan ng Pangulo.

Wala pong ibang mithiin si Pangulong Duterte kundi ang maaksiyunan sa takdang panahon ang pambansang budget para maisakatuparan kaagad ang hinahangad na pagbangon ng sambayanan at makabuwelo muli at maka-recover bilang isang bansa.

Bagama’t dadaan pa sa mahigpit na deliberasyon ang panukalang pambansang budget sa Senado, malaking bagay po na napabilis ang pagpasa sa panukalang budget sa Kamara.

Mahalaga po sa Ehekutibo ang mabilis na pag-aksiyon sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon dahil nakasalalay dito ang pagbangon ng mga Pilipino mula sa dinaranas na paghihirap at sakripisyo dahil sa COVID pandemic.

Sa ilalim ng 2021 national budget, P893 billion o 19.8% nito ang gagamitin para sa COVID-19 response, kabilang na dito ang pagbili ng anti-COVID vaccines (P2.5 billion ).

Bukod sa mga nakalinyang programa para mapaigting ang paglaban sa COVID-19, mahalaga ring maipagpatuloy ang natigil na ilang infrastructure projects ng Duterte administration at pagtulong sa mga pinaka-mahihirap na sektor na maka-recover mula sa matinding dagok na idinulot ng pandemya.

Kabilang sa mga prayoridad sa 2021 budget ang social protection sa pinakamahihirap na sektor na direktang naapektuhan ng pandemya. Kaya mayroong P12 billion na inilaan bilang financial assistance sa mga pinakamahihirap na pamilya; gayundin ang social pension para sa mga walang-wala na senior citizens (P23.2 billion) at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (P113.8 billion).

Ang pagpapatuloy ng major infrastructure projects ng administrasyon sa ilalim ng Build,Build,Build program ang magbibigay naman ng bagong trabaho para sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemiya, kabilang na dito ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa ibang bansa kaya napilitang umuwi ng Pilipinas.

Hindi po maipatutupad ang mga planong ito ng Duterte administration kung walang magagamit na pondo kaya umaasa po ang Ehekutibo na pagdating sa Senado ay agad na gagawin ang mabilis at episyenteng deliberasyon ng mga senador sa panukalang pambansang budget.

Kami naman po sa PCOO ay nakasandal sa ating pambansang pondo para maipagpatuloy ang paghahatid ng mga mensahe at impormasyon tungo sa pagbangon ng bansa. Ito ang aming tulay para maitawid at maiparating sa sambayanan ang bawat tugon at aksyon ng pamahalaan.

Lahat po ng sektor ng lipunan ay pinadapa ng pandemya at ang tanging pag-asang makabangon ay ang pagpasa sa 2021 General Appropriations bill sa takdang panahon.

Hangad po ni Pangulong Duterte na pagsapit ng huling araw ng Disyembre ay mayroon nang bagong budget ang gobyerno para masimulan agad ang mga programa at proyekto para sa pagbangon ng ating bansa.

The post Pambansang pondo tungo sa ating pagbangon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *