Pagtutulungan sa panahon ng bagyo ngayong pandemya

Tinitiyak ng gobyerno na handa ang mga kinauukulan at may sapat na pondo para matulungan ang mga naaapektuhan ng bagyo lalo na ang pinaka-nasasalanta kasabay ng pagkakaroon pa rin ng mga kaso ng COVID-19.

The post Pagtutulungan sa panahon ng bagyo ngayong pandemya first appeared on Abante.

pagtutulungan sa panahon ng bagyo ngayong pandemya - Pagtutulungan sa panahon ng bagyo ngayong pandemya
Harry Roque Ok ka Harry 1 1 10 - Pagtutulungan sa panahon ng bagyo ngayong pandemya

Tinitiyak ng gobyerno na handa ang mga kinauukulan at may sapat na pondo para matulungan ang mga naaapektuhan ng bagyo lalo na ang pinaka-nasasalanta kasabay ng pagkakaroon pa rin ng mga kaso ng COVID-19.

Alam natin na bahagya pa lamang nakakabangon ang mga taong naapektuhan ng bagyong Quinta (Molave) noong nakaraang linggo, nang manalasa naman ang bagyong Rolly (Goni). Hinagupit ng malakas na hangin na dala ng bagyo ang Bicol Region at Luzon. At habang binubugbog ni Rolly ang Luzon, nalaman ng mga eksperto noong Linggo ng umaga na isa pang bagyo ang inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility. Ito ay ang tropical storm Siony (Atsani) na matatagpuan sa silangan ng Central Luzon.

Noong nakaraang Linggo, ika-1 ng Nobyembre, nang tumama sa lupa ang super bagyong Rolly, kasama ko ang ilan sa aking mga kapwa miyembro ng Gabinete, ilang mga lokal na executive, at iba pang pangunahing opisyal para sa isang press briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Inatasan kami ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magsagawa ng nasabing briefing upang matiyak na ang lahat ng mga pangangailangan ng mga apektadong indibidwal at mga local government unit (LGUs) ay maibibigay sa lalong madaling panahon. Ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na direktang kasangkot sa pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo ay binigyan ng tagubilin na maging handa sa lahat ng oras.

Malinaw ang direktiba ng Pangulo. Lahat ng Cabinet Secretaries at lahat ng mga kagawaran at ahensya ng gobyerno ay dapat maging handa na magbigay ng tulong sa mga pinaka apektado. Kailangan nilang tiyakin na ang lahat ay magagawa upang mailigtas at matulungan ang bawat isa na maaapektuhan ng trahedya .

Ngunit bago pa man magsimula ang tag-ulan, sa tulong ng NDRRMC, nagsagawa na ang gobyerno ng mga hakbang upang matiyak na ang pagtugon sa panahon ng bagyo ay maisasaalang-alang ang kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19.

Noong Mayo ng taong ito, naglabas ang NDRRMC ng isang tala tungkol sa mga hakbang sa paghahanda ng COVID-19 sa panahon ng tag-ulan. Kasama na rito ang paghahanda ng mga LGUs at ang pagsasagawa ng pre-disaster risk assessment. Pinaalalahanan ang mga LGUs na kumunsulta sa mga ahensya na nagbibigay ng babala upang malaman nila ang nalalapit na mga panganib.

Pinayuhan din ang mga LGUs na paghandaan ang magiging epekto ng tag-ulan sa mga mahahalagang pasilidad tulad ng mga ospital, klinika, tanggapan ng LGU, at serbisyo sa kuryente at tubig.

Upang matiyak na ang lahat ng apektadong pamilya at indibidwal ay makakatanggap ng kinakailangang tulong pagkatapos ng bagyo, pinayuhan ang mga LGUs na dagdagan ang kanilang kakayahang mag-ipon ng pagkain at iba pang mga pangangailangan para sa maayos na pagtugon sa panahon ng tag-ulan.

Sa panayam noong nakaraang Linggo sa NDRRMC, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkakaroon ng mga standby na pondo at stockpile, na binubuo ng mga kinakailangan sa pagkain at mga bagay na hindi pang-pagkain na madaling ipamahagi.

Sa mga sitwasyong nangangailangan ng paglikas o maagang paglikas ng mga nasa panganib na pamilya at indibidwal, paalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na sundin pa rin ang minimum health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Pinayuhan din ng DOH ang mga LGU na magtalaga ng mga safety officer sa mga evacuation center at limitahan ang bilang ng mga tao doon upang matiyak na masusunod ang mga health protocols para sa COVID-19.

Bukod sa mga nabanggit na departamento at ahensya, tinitiyak ng ibang mga ahensya ng gobyerno na mabilis silang makakatugon at makakapagbigay ng tulong kung kinakailangan. Tiniyak din ng militar at pulisya na ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ay mapapanatili sa panahon ng kalamidad dahil alerto sila at handang tumulong sa anumang sitwasyon.

Dahil nakahanda ang lahat, tiwala ako na kakayanin natin ang hamon na epekto ng bagyo sa panahon ng pandemikong ito. Mapoprotektahan natin ang buhay ng bawat isa laban sa COVID-19 at laban sa epekto ng bagyo.

Dahil tayo ay handa, determinado, at nagkakaisa, kakayanin natin ito!

The post Pagtutulungan sa panahon ng bagyo ngayong pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *