Pagmasdan ang susunod na Pangulo

Kagaya ng pagdiriwang ng kapaskuhan na nagsisimula ng Setyembre 1 sa ating bansa, ang mga eleksyon natin ay isang kaganapan na matagal na pinaghahandaan. Ang ibang politiko ay mula sa maagang edad nagpaplano na, lalo na ang mga galing sa pamilyang politiko. Karaniwan, mula kolehiyo, pinaplano na nila ang kanilang magiging karera sa larangan ng pulitika. Ang haba ng aktwal na paghahanda ay naka-depende sa posisyong tatakbuhan. Mas mababa ang posisyon, mas maliit na bilang ng mga botante and kailangan, at samakatuwid, mas maiksing panahon ang kailangan.

The post Pagmasdan ang susunod na Pangulo first appeared on Abante.

pagmasdan ang susunod na pangulo - Pagmasdan ang susunod na Pangulo
TALAGA ba 8 - Pagmasdan ang susunod na Pangulo

Kagaya ng pagdiriwang ng kapaskuhan na nagsisimula ng Setyembre 1 sa ating bansa, ang mga eleksyon natin ay isang kaganapan na matagal na pinaghahandaan. Ang ibang politiko ay mula sa maagang edad nagpaplano na, lalo na ang mga galing sa pamilyang politiko. Karaniwan, mula kolehiyo, pinaplano na nila ang kanilang magiging karera sa larangan ng pulitika. Ang haba ng aktwal na paghahanda ay naka-depende sa posisyong tatakbuhan. Mas mababa ang posisyon, mas maliit na bilang ng mga botante and kailangan, at samakatuwid, mas maiksing panahon ang kailangan.

Ngayon, meron na lamang mahigit sa isa’t kalahating taon bago ang nakatakdang halalan sa Mayo 2022. Aasahan natin na marami-rami na ang magpaparamdam ukol sa kanilang mga intensyon. Hindi sila tuwirang magdedeklara ng kanilang pagkakandidato. Mahahalata na lang natin ang mga kakaibang sigla nila sa eksena.

Hindi maaring mangampanya ang mga tumatakbo sa labas ng panahong itinatakda ng batas na tatlong buwan. Maaring nagtataka kayo kung bakit walang nakakasuhan dito bagama’t talamak ang ganitong kasanayan. Iniikutan nila ang batas base sa pangangatwiran na wala namang sinasabing iboto or “vote” sa kanilang mga poster o sa kanilang mga talumpati. Isa pa, nakakalusot sila sapagka’t ibinabawal ang pangangampanya ng maaga sa mga kandidato nguni’t hindi pa naman sila kandidato dahil hindi pa sila nakapag-pasa ng aplikasyon ng pagkakandidato.

May kasabihan tayo na ang punong hitik sa bunga ang pinupukol. Ang mga kandidatong lantad na ang intensyon ay una ring pupukulin ng batikos at maaring maging pakay ng maruming laro sa pulitika.

Sa pagka-Pangulo, may mga tao na alam nating gustong kumandidato. Ang listahang ito ay madadagdagan simula nitong kapaskuhan at higit na marami sa papasok na taon. Kanya kanya na silang pustura upang mapansin ng mga botante. Merong mga taong dadalas ang pag-biyahe sa mga probinsya. Merong mga makiki-angkas sa iba’t ibang patalastas ng pamahalaan. Ang pinaka-mainit na round, kumbaga sa boksing, ay sa 2021.

Sino ang nararapat na maging susunod na Pangulo? Marami ang may gusto, nguni’t dapat nating tandaan na ang kagustuhan ay iba sa kakayahan. Dapat din nating suriin ang intensyon sa pagnanais maging Pangulo at ng antas ng katapatan. Hindi rin sapat ang kakayahan lamang, kung ang intensyon naman ay hindi malinis o may bahid ng katiwalian.

Maganda ring alam natin kung sino-sino ang mga nasa likod at sumusuporta sa isang kandidato, sapagka’t sila at ang kanilang mga interes ay maaring magkakaroon ng mabigat na timbang sa administrasyon kapag nanalo ang kanilang kandidato.

Lagi na lang nating naririnig na lesser evil o kung sino ang pinaka-konti ang kasalanan ang basehan ng ating pagpili. Baka pwedeng maiba naman. Sa ngayon, ang pinaka-mahalaga ay ang masusing pagmamasid sa mga maaring kumandidato.

The post Pagmasdan ang susunod na Pangulo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *